Richard, Coco 3 linggong nakulong

After three weeks of lock-in sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, nakauwi na sa kanilang bahay noong Sunday si Richard Gutierrez.

The post Richard, Coco 3 linggong nakulong first appeared on Abante.

richard coco 3 linggong nakulong - Richard, Coco 3 linggong nakulong
ang probinsyano - Richard, Coco 3 linggong nakulong

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Richard, Coco 3 linggong nakulongAfter three weeks of lock-in sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, nakauwi na sa kanilang bahay noong Sunday si Richard Gutierrez.

Actually, second lock-in na niya ‘yon sa primetime series ng Kapamilya Channel (na napapanood din sa iWantTFC app, Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at sa TFC o The Filipino Channel worldwide).

Hindi ko inusisa si Richard kung may next lock-in pa ba siya dahil bawal naman silang nagkukuwento ng mga detalye tungkol sa kanilang lock-in taping.

Pero siyempre, madalas sabihin ng aktor na adjusted na siya sa lock-in taping nila dahil pangalawa na nga niya ‘yon.

Sobrang close na rin si Richard kay Coco Martin at sa iba pang cast ng nasabing series.

Pagdating naman daw sa health and safety protocols, mahigpit talaga ang production dahil lahat ay kailangan talagang sumunod doon, huh!

That’s the “new normal” sa panahon ng COVID-19 pandemic at feeling ko nga, Dondon (my dear editor), makakasanayan na ng lahat ang ganito at kahit in the future at mawala na ang pandemic ay malamang na lock-in na talaga ang lahat ng tapings at shootings dahil mas maayos at madali silang nakakatapos ng trabaho.

Mas ok din kasi ‘yung 12 hours lang ang itinatagal ng mga artista, production people at crew sa set!

***

Sarah nakaramdam ng lungkot

Anyway, kinumusta ko ang misis ni Richard, si Sarah Lahbati, kung kumusta ang mga anak nila na sina Zion at Kai ngayong nakabalik na sa bahay ang tatay ng mga bata?

“Super happy sina Zion and Kai that Chard’s back home to spend time with us.

“Sobrang bonding sila ng mga bata.

“Sobrang missed din ni Chard sina Zion and Kai!” sey ni Sarah.

Sa pagbabalik nga ni Richard sa kanilang bahay ay may new pet pa sila, isang parrot na pinangalanan nilang Marley.

Feeling ko ay naaaliw rin si Sarah sa new pet nila dahil lately ay sobra siyang na-sad.

Namatay kasi ang nanay ng best friend niya na isa sa dalawang bridesmaids niya na umuwi ng bansa (mula Geneva, Switzerland) noong intimate wedding nila ni Richard (last March 14).

Aneurysm ang ikinamatay ng nanay ng best friend ni Sarah at sobra siyang affected.

Noong Sunday inilibing sa Bulacan ang nanay ng best friend ni Sarah at nagpunta siya roon.

***

Ruffa sobrang bilib sa KathNiel

Si Ruffa Gutierrez naman, nasa lock-in shoot pa sa Batangas ng “The House Arrest of Us” ng mag-fiancé na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Noong una, hindi sila allowed na magkuwento na ang KathNiel ang mga bida sa ginagawa nilang digital movie series para sa Star Cinema.

Noong Tuesday lang sila allowed na magkuwento at mag-post sa social media ng tungkol doon. Actually, 8th shooting day na nila ang araw na ‘yon and finally ay ni-reveal na nga ang tungkol sa project na ‘yon.

Bale puwedeng makabili ng season pass ang mga gustong manood ng “The House Arrest of Us” at available na ‘yon sa KTX.ph.

Sa ngayon, may 10% discount at mula sa original price na P499 ay mabibili ‘yon ng P449 (hanggang October 15).

Sa October 24 magsisimula ang digital movie series na ‘yon sa KTX.ph at mapapanood din sa iWantTFC app starting October 25.

After nga ng announcement noong Tuesday night tungkol sa “The House Arrest of Us”, naka-message ko si Ruffa na sobrang bilib sa KathNiel fans.

Grabe raw ang excitement ng mga fan nina Kathryn at Daniel sa kanilang new project after two years.

“Grabeee ang inbox ko sa messages from KathNiel fans. Lahat sila excited na mapanood ang ‘The House Arrest of Us’.

“Kami naman, sobrang excited din.

“Finally, nakapag-post na ako ng pictures with Kathryn and Daniel,” sey ni Ruffa.

Bale 13-part ang romantic family digital movie series na ‘yon ng KathNiel at tiyak daw na magugustuhan ng mga fan.

“Enjoy kami sa set. Ang saya!” sey ni Ruffa.

The post Richard, Coco 3 linggong nakulong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *