Richard absent sa b-day party ni Venice

How time flies talaga, Dondon (my dear editor), ‘no?!

The post Richard absent sa b-day party ni Venice first appeared on Abante.

richard absent sa b day party ni venice - Richard absent sa b-day party ni Venice
Richard Gutierrez 1 - Richard absent sa b-day party ni Venice

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Richard absent sa b-day party ni VeniceHow time flies talaga, Dondon (my dear editor), ‘no?!

Noong Friday kasi, nag-celebrate na si Venice, ang bunsong anak ni Ruffa Gutierrez, ng kanyang 16thbirthday.

No big celebration kasi nga COVID-19 pandemic pa rin.

Pero noong Saturday, may dinner sila sa isang steak restaurant somewhere in Alabang.

Sabi sa akin ni Ruffa, “My gosh, I wanna invite you, pero you’re in quarantine naman.”

Noong Friday raw kasi ay wala silang celebration talaga for her bunso’s birthday, kaya noong Saturday night siya nagpa-dinner.

Noong kausap ko siya, she’s not sure kung papupuntahin niya ang nanay niyang si Annabelle Rama dahil panay raw ang sabi nito na, “Stop eating steak!”

Eh, steak dinner nga naman ‘yon, kaya baka kung ano ang sabihin ni Bisaya. Hehehe!

Pero yesterday morning naman habang katsikahan ko si Bisaya, natuloy rin pala sila ng Gutierrez patriarch na si Eddie Gutierrez sa dinner na ‘yon.

“Ilan lang naman kami. Birthday naman ni Venice, kaya nandoon kami ni Eduardo.

“Hindi ako kumain ng steak. May prawn naman,” sabi ni Bisaya.

***

Ruffa malungkot sa pagkawala ng ‘Love…’

Actually, kahapon sa Sunday family lunch nila sa White Plains house nila, may celebration din sila para kay Venice.

Wala nga lang si Richard Gutierrez na naka-lock-in sa taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Batangas.

“Ok si Chard sa taping. Enjoy siya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Maayos ang taping nila,” sey ni Bisaya na nagsabi ring mahigpit na pinatutupad doon ang health and safety protocols, kaya hindi sila worried na nagte-taping ang twin-brother ni Raymond Gutierrez.

Anyway, going back to Ruffa, although nag-post na siya na she’s signing off as Amanda del Mundo dahil nagtapos na noong Friday ang teleserye nilang “Love Thy Woman” ng Kapamilya Channel, medyo sad daw dahil mami-miss niya ang show, ang co-stars niya, ang staff at ang lahat ng mga nakasama roon.

Pero happy rin naman si Ruffa dahil sa balitang napakarami nilang online viewers at kahit sa iWantTFC app ay number one ang kanilang show, huh!

Ang bongga!

***

Donita Rose live sa Abante

Mamayang 2:00PM, maiinterbyu ko sa Facebook page ng Abante News Online para sa “Anything Goes” ang kababalik lang sa Amerika na si Donita Rose.

Kukumustahin ko nga ang buhay ngayon ni Donita at ng anak niyang si JP na nasa San Mateo, California na ngayon.

Eh, may wildfires ngayon sa California na kung i-describe ng marami ay parang “doomsday”, kaya kukumustahin ko si Donita kung paano silang nakakakilos ngayon doon.

Pag-uusapan din namin ni Donita ang iba pa niyang mga plano ngayon sa buhay lalo na kakayod na kaagad siya doon.

Bale 11:00PM ng Sunday sa California ang interbyu ko kay Donita at ok lang naman daw sa kanya dahil pangako nga raw niya na pagdating niya sa Amerika ay itutuloy niya ang guesting sa “Anything Goes”.

‘Katuwa rin si Donita dahil natuwa siya sa artcard na gawa ng mga taga-Abante News Online, kaya naman kaagad niyang prinomote sa kanyang social media accounts ang guesting na ‘yon mamaya.

Anyway, may pa-surprise ako mamaya kay Donita dahil may friend (sana may iba pang mag-yes para mas marami) siyang makakasama sa episode na ‘yon at malamang na maraming ibubuking tungkol sa kanya, kaya sana ay tutukan n’yo ‘yon, huh!

The post Richard absent sa b-day party ni Venice first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *