Ria nagpakain ng mga bata sa Payatas

Interesado ba si Ria Atayde na pasukin ang public service? Bet ba niyang maging politiko sa 2022?

ria nagpakain ng mga bata sa payatas - Ria nagpakain ng mga bata sa Payatas
tonite ria - Ria nagpakain ng mga bata sa Payatas

Interesado ba si Ria Atayde na pasukin ang public service? Bet ba niyang maging politiko sa 2022?

Well, may nagpadala kasi sa akin ng mga photo sa Facebook Messenger na kung saan ay naghahain ng mga pagkain si Ria para sa mga bata.

“Si Ria Atayde may feeding program sa school ng Justice Cecilia Munoz Palma High School (Payatas, QC). Ang galing!” nakalagay na mensahe sa naturang mga photo.

Sabi, ang naturang feeding program ay ‘sponsored’ ng Corazon Foundation and Willing Hearts.

“Hala! I don’t really want to make that a public thing,” sabi ni Ria.

Well, marami na nga ang nagkukuwento na noon pa man ay matulungin na si Ria. Na kahit nu’ng panahon ng Ondoy ay tumulong siya sa mga nasalanta.

Pero, hindi nga siya ‘yung tipo ng artista na ipinamamalita ang mga gawa niya.

Anyway, ang dami ngang natuwa sa feeding­ program na ‘yon dahil ang daming mga bata na nabusog.

Pero, kailan pa ba nagsimula ang foundation na ito, at paano ‘yon napasok ni Ria?

“Ang Corazon kasi ay heart in Spanish. Everyday may feeding program about 300-1,000 students.

“Nu’ng launching ay dumating si Ria. The plan is to feed at least 20,000 students all over Manila and also do medical assistance na rin. Ang mga Singaporean ang nag-tap kay Ria dahil nakita nila na mahilig siyang tumulong,” sabi ng isang taong namamahala sa naturang foundation.

Inspirasyon daw ng foundation si Manila Mayor Isko Moreno na nu’ng kampanya pa lang ay nagpapakain na sa mga public school student.

Pero sa photo ni Ria ay si former QC Mayor Jun Simon ang katabi niya.

“Si Mayor Jun kasi ay kasama sa Corazon foundation. Ramon Magsaysay awardee ‘yung head ng Willing Hearts Foundation of Singapore,” sabi pa ng source.

Anyway, dapat ay kasama rin si Arjo Atayde sa feeding program, pero kasalukuyan daw na nasa New Zealand ito para sa DZMM Global Pinoy Idol event, kasama sina Papa Ahwel Paz, Bernadette Sembrano, Yeng Constantino at Randy Santiago hatid ng TFC25.

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *