Ria, JM ‘relasyon’ tinanggi ni Sylvia

Sa birthday party ni Direk Ruel Bayani ay dumating si Sylvia Sanchez kasama ang mister na si Art Atayde at anak nila na si Ria Atayde. May picture na pinost si Sylvia na kasama nila ng mister niya sina Ria at JM, pati ang creative consultant ng “Kapalaran” new series nila na si Mel Mendoza-del Rosario.

The post Ria, JM ‘relasyon’ tinanggi ni Sylvia appeared first on Abante News Online.

ria jm relasyon tinanggi ni sylvia - Ria, JM ‘relasyon’ tinanggi ni Sylvia
Abante ria - Ria, JM ‘relasyon’ tinanggi ni Sylvia

abante anything goes jun lalin 336x224 - Ria, JM ‘relasyon’ tinanggi ni SylviaSa birthday party ni Direk Ruel Bayani ay dumating si Sylvia Sanchez kasama ang mister na si Art Atayde at anak nila na si Ria Atayde. May picture na pinost si Sylvia na kasama nila ng mister niya sina Ria at JM, pati ang creative consultant ng “Kapalaran” new series nila na si Mel Mendoza-del Rosario.

Inusisa ko si Sylvia kung mag-ano na ba talaga ang anak niya at si JM?
“Friends. As in close friends. Ganoon lang naman talaga,” sabi ni Sylvia na dinugtungan ko naman na knowing her husband, hindi ito magpapa-picture na kasama si JM kung boyfriend na ito ni Ria.

Parang anak nga rin pala ang turing ni Sylvia kay JM hindi dahil nali-link ito kay Ria. Sa “Kapalaran” new series kasi nila ay mag-ina ang role nila.

Oo nga pala, hindi ko na inusisa pa si Sylvia tungkol sa rumored girlfriend naman ng anak niyang si Arjo Atayde dahil hindi na naman siya tatantanan ng bashers once na may mabasa sila.

Lorin sumakit ang paa sa UCLA

Nakakaaliw talagang katsikahan si Ruffa Gutierrez, Dondon. Kahapon kasi ay nakailang missed calls siya sa akin.

Then, may text siya na tawagan ko siya at urgent na magkausap kami. Nang katsikahan ko na siya, exaggerated na sinabi niya na namamaga raw ang paa ng panganay niyang anak na si Lorin Gutierrez na kumukuha ng special summer class na Economics sa UCLA sa Los Angeles, California.

Magkakalayo kasi ang mga building ng mga klase ni Lorin, kaya walk ito nang walk sa UCLA at sumakit ang paa. Akala ko naman ay napaano na si Lorin, eh, nang kausap ko naman ang teenager na apo ni Annabelle Rama ay wala itong sinasabi na namamaga ang mga paa niya, ‘noh?!

Anyway, sa kuwento ni Ruffa, nag-rent daw ng bike si Lorin dahil sobrang layo kung maglalakad ito palagi. Nang kausap ko nga pala si Lorin ay ikinuwento niya sa akin na first day of school pa lang daw niya ay sobrang daming homework na, kaya hindi siya makakasamang mag-dinner.

May isang friend din si Ruffa na sasamahan sana si Lorin na manood ng Spider-Man, pero dahil sa napakaraming homework ay hindi na lang nanood ang dalagita.

Gabby pinuri ng balikbayan

Nakita ng isang balikbayan-friend ko si Gabby Concepcion sa Eastwood City. Pasakay na raw ng car si Gabby, pero pinakiusapan niya ang aktor na gusto niyang magpa-picture.

Pinagbigyan naman siya ng aktor.

“Ang bait pala ni Gabby,” sey ng friend ko.

The post Ria, JM ‘relasyon’ tinanggi ni Sylvia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *