Ria ‘di ginagamit si JM

Nanatiling malabo ang posibilidad na magkatuluyan bilang magdyowa sina JM de Guzman at Ria Atayde.

The post Ria ‘di ginagamit si JM appeared first on Abante News Online.

ria di ginagamit si jm - Ria ‘di ginagamit si JM
Ria Atayde - Ria ‘di ginagamit si JM

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Ria ‘di ginagamit si JMNanatiling malabo ang posibilidad na magkatuluyan bilang magdyowa sina JM de Guzman at Ria Atayde.

Sa interview ng “Abantelliling” kay Ria matapos ang panayam namin ni Dondon Sermino sa kapatid nitong si Arjo Atayde nu’ng Martes ng hapon para sa thanksgiving get-together for the press ng mga Atayde (sa pangunguna ni Sylvia Sanchez), sinabi nitong wala pang nabubuo sa kanilang dalawa ni JM.

Hindi masabi ni Ria kung anong meron sila ni JM basta hindi siya nagmamadaling magkaroon ng dyowa, lalo at maganda ang flow ng kanyang career.

Medyo affected lang si Ria sa mga nanlalait sa kanya dahil kay JM. Kung ano-ano ang sinasabi sa kanya ng mga basher. Inakusahan siyang user, o ginagamit lang si JM, ha!

Samantala, bumaha ng raffle prizes sa party na ito nina Sylvia, Arjo at Ria para sa press na ginanap sa Lazat Resto, Tomas Morato. Talagang ipinaramdam nila ang pagmamahal nila sa media.

Tinitingnan pa rin ni Sylvia ang tulong ng entertainment press sa tagumpay na natamo nilang mag-iina sa showbiz.

Pacquiao pinasa ang trono kay Jimuel

Inumpisahan na ni Sen. Manny Pacquiao ang paghubog niya sa susunod sa kanyang yapak – ang panganay niyang anak kay Jinkee na si Jimuel.

Naka-poste sa Instagram ng Pambansang Kamao ang ilang video, photos ng training ni Jimuel sa isang boxing gym.

Personal na tinuturuan ni Manny si Jimuel sa training nito, partikular na ang tamang “sayaw” at suntok. Mataman namang nakikinig ang anak ng senador sa sinasabi sa kanya ng daddy niya.

Sa posting na ito, in-acknowledge na ni Manny si Jimuel bilang successor niya.

“The Future,” sabi ni Pacman.

Sa IG post naman ni Jinkee ng mga parehong photo, video, sinabi nito sa salitang Bisaya ang pagiging proud niya sa mag-ama.

The post Ria ‘di ginagamit si JM appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *