Ria, Barbie pinagsasabong dahil kay JM

Ang guwapo naman ni JM de Guzman. Aba, kung babasahin mo ang mga mensahe sa Instagram niya, makikita mo na nag-aaway-away ang mga fan dahil sa kanya, ha!

The post Ria, Barbie pinagsasabong dahil kay JM appeared first on Abante News Online.

ria barbie pinagsasabong dahil kay jm - Ria, Barbie pinagsasabong dahil kay JM
ria - Ria, Barbie pinagsasabong dahil kay JM

Ang guwapo naman ni JM de Guzman. Aba, kung babasahin mo ang mga mensahe sa Instagram niya, makikita mo na nag-aaway-away ang mga fan dahil sa kanya, ha!

Parang may giyera sa pagitan ng dalawang babae na nali-link sa kanya. At alam kaya nina Ria Atayde (sabi-sabing dyowa niya ngayon) at Barbie Imperial (sabi-sabing naging dyowa niya noon) ang mga pinagsasabi ng mga fan nila tungkol sa isa’t isa?

Anyway, sa post ni JM na may karga siyang baby, nagparamdam siya na parang gusto na rin niyang magka-baby.

“Lord pahingi din ng isa soon,” hirit niya.

“World, ang aking inaanak/ pamangkin Lukas Matteo,” karugtong na mensahe niya.

At doon na nga nagsulputan ang mga ‘offensive’ na mensahe ng mga fan.

teresitafelipe1956, “JM buntisin mo na c Ria, total gustong-gusto ka naman niya 1pa matanda na rin si Ria.”

Ang sakit, ‘di ba? Pero, papakabog ba ang mga fan naman ni Ria sa mga fan ni Barbie?

cassey0102, “@teresitafelipe1956 kung makautos naman to wagas! hindi katulad ni babaita si Ria…matino siyang babae…D katulad ng iba diyan na WALWAL lang ang alam..siguro kung siya pa yan, buntis na! Kasi ma­landi as in!”

Ouch, again, ‘di ba? Matindi rin ang resbak.

biejm2, “@teresitafelipe1956 Buntis na raw kaya ang lumubo ng todo ang braso, mukha at hita.”

Ang sakit pa rin, ‘di ba? Palitan ng masasakit na salita ang labanan.

jejepejedero, “@cassey0102 hahaha kakatawa ka naman si Barbie siya ang sinundan pero yong bal­yena sunod ng sunod parang asong ulol. At si Barbie bitbit ang dala pero yong isa siya ang mag bitbit laki ng braso eh.”

Well, sana ay hindi maging dahilan ang talakan na ito ng mga fan para magkaroon ng ilangan, o awayan sa pagitan nina Barbie at Ria. Pero knowing Ria, na edukada, mukhang hindi naman siya ang tipo ng babae na basta-basta makikipagtalakan dahil lang sa ganitong chikahan.
Well… (Dondon Sermino)

The post Ria, Barbie pinagsasabong dahil kay JM appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *