Ria ayaw nang pag-usapan si JM

Wala nang dating kay Ria Atayde ang comparison ng ilang mga basher sa kakayahan niya sa acting sa inang si Sylvia Sanchez at kapatid na si Arjo Atayde.

ria ayaw nang pag usapan si jm - Ria ayaw nang pag-usapan si JM
ria 1 - Ria ayaw nang pag-usapan si JM

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 9 336x224 - Ria ayaw nang pag-usapan si JMWala nang dating kay Ria Atayde ang comparison ng ilang mga basher sa kakayahan niya sa acting sa inang si Sylvia Sanchez at kapatid na si Arjo Atayde.

Sabi nga ni Ria sa presscon ng “Parasite Island”, bago niyang serye sa Kapamilya network, iniwasan na niyang paapekto sa mga sasabihin ng tao tungkol sa kanya.

Nag-focus na lang siya sa kung ano ang maibibigay niya sa kanyang trabaho at pagbutihin pa ito.

Natutuwa si Ria sa mga magagandang comment sa kanyang ina at kapatid, sa husay ng mga ito sa acting.

Samantala, iniiwan ni Ria kay JM De Guzman ang bali-balita tungkol sa kanilang romantic relationship.

Kung ano raw ang sinabi ni JM na sila’y good friends, na totoo naman, ‘yun ang paniwalaan ng mga press.

Nagpapasalamat lang siya kay JM sa pagprotekta nito sa kanya sa mga basher kaya hangga’t maaari ay ayaw siyang pag-usapan nito sa mga interview.

Pasaway! Wilma Doesnt nag-selfie sakay ng motor

Nagiging lifestyle na ng mga celebrities ang sumakay sa motorsiklo para makaiwas sa trapiko at makarating nang mabilis sa kanilang mga commitment.

Nag-post si Wilma Doesnt sa kanyang Instagram wall ng video na nagpapakita na sakay siya sa Angkas.

Tuwang-tuwa si Wilma sa experience niyang ito lalo’t first time niyang sumakay ng isang rented public motorcycle ride.

Kaya lang, dapat inisip ni Wilma na hindi dapat nagsi-selfie (video man o photo shot) habang naka-angkas dahil baka maaksidente ito, at makaka-abala pa sa iba.

Obviously, gustong mag-vlog ng model-actress-comedian at ipangalandakan ang karanasan nito.

Baka rin maka-impluwensya si Wilma sa mga gaya niyang passenger na okey lang mag-video selfie habang sakay ng tumatakbong motorsiklo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *