Ria Atayde ‘inabuso’ ni John Arcilla

Sanhi ng matinding selos, tatakbo si Ria Atayde sa isang albularyo para humi­ngi ng tulong ngayong Sabado (Abril 6) sa ‘Ipag­laban Mo’. Isang dating barangay beauty queen si Lily (Ria) ngunit nagsimulang pabayaan ang sariling itsura nang mapangasawa si Gimo (Vin Abrenica) at magkaroon ng dalawang anak.

The post Ria Atayde ‘inabuso’ ni John Arcilla appeared first on Abante News Online.

ria atayde inabuso ni john arcilla - Ria Atayde ‘inabuso’ ni John Arcilla
Ria Atayde - Ria Atayde ‘inabuso’ ni John Arcilla

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Ria Atayde ‘inabuso’ ni John ArcillaSanhi ng matinding selos, tatakbo si Ria Atayde sa isang albularyo para humi­ngi ng tulong ngayong Sabado (Abril 6) sa ‘Ipag­laban Mo’. Isang dating barangay beauty queen si Lily (Ria) ngunit nagsimulang pabayaan ang sariling itsura nang mapangasawa si Gimo (Vin Abrenica) at magkaroon ng dalawang anak.

Titindi ang kanyang paranoia nang magsimulang umuwi ng hatinggabi ang asawa, mag-text nang patago, at i-lock ang sariling cellphone. Dahil sa takot na iwan ng asawa para sa ibang babae, mapipilit ito ng kaibigang si Aya (Dona Cariaga) upang kumonsulta sa isang ‘albularyo’.

Kokonsulta si Lily sa sikat na albularyong si Pedring (John Arcilla). Matitipuhan ni Pedring si Lily at mamanipulahin ito upang mapaniwalang may ibang karelasyon ang asawa. 

Uutusan nito si Lily na pumunta sa isang liblib na kuweba kung saan gagawa si Pedring ng ‘love potion’ na magpapanumbalik diumano sa nawalang sigla ng buhay ng mag-asawa. Habang ginagawa nila ang ritwal, manghihina at mawawalan ng malay si Lily.

Pagsasamantalahan ni Pedring at gagahasain ang walang kalaban-labang si Lily. Magsasampa ng kasong panggagahasa ang mag-asawa laban sa albularyong si Pedring.
Panigan kaya ng korte si Lily na napaglaruan at minanipula ni Pedring? Mabawi pa kaya nila Lily at Gimo ang dignidad ng pamilya?

Tutukan ang ‘Gayuma’ episode ng ‘Ipag­laban Mo’ sa direksyon ni John Lapus ngayong Sabado (Abril 6), pagkatapos ng ‘It’s Showtime’ sa ABS-CBN.

Joross, Nikki wagas ang pagmamahal sa mga batang may autism

Sa paggunita ng ‘World Autism Awareness Month’, inihahandog ng ‘MMK’ ang kuwento nina Anna at June, mga magulang na lalabanan ang kanilang kahinaan para ipakita ang kanilang pagmamahal sa mga anak na may autismo, ngayong Sabado, (Abril 6).

Nagsumikap si Anna (Nikki Valdez) na magkaroon ng buo at perpektong pamilya dahil sa pagkaka-abandona sa kanya bilang anak ng isang G.I. o sunda­long Amerikano. Dahil dito, inampon siya ng relihiyosang si Mama Rossie (Ruby Ruiz), na aktibong tumutulong sa simbahan sa kanilang komunidad.

Napadpad siya sa Anak Bayan, Paco, Manila at nakilala ang pinsang si June (Joross Gamboa), na makakapalagayang-loob at na­ging asawa. Ipinanganak ni Anna ang panganay na si John Paul (JM Ibañez), na madidiskubreng may autism. 

Tila gumuho ang kanilang mga pangarap at sinubukang iangat ang pamilya sa kabila ng mga pagsubok kaakibat ang pagkakaroon ng anak na may autism.

Nang mabuntis muli si Anna, umasa at nagdadasal sila na maiba ang tadhana ng pangalawang anak. Nadurog nang tuluyan ang kanilang mga puso nang ipanganak ni Anna si Joshua (Simon Pineda), na kapareho ng panganay, ay may autism.

Darating naman sa kanila ang pangatlong anak na si Judith (Miel De Leon). Ang tanging babae sa tatlong anak at tanging anak na walang autism. Dahil dalawa sa anak ng bagong mag-asawa ang may autism, mara­ming pagsubok ang pinagdaanan nila, hanggang sa mapariwara si June at mambabae. Sa kabila nito, pinilit ni Anna na protektahan ang mga anak na mula sa mapanghusgang mata ng lipunan.

Sa pagtakbo ng panahon, lumitaw ang wagas at walang pasu­baling pagmamahal ng mag-asawa sa kanilang pamilya sa kabila ng mga paghihinagpis at sama-samang haharapin ang bagong buhay nang may pag-asa sa kanilang mga puso.
Ngayon, naglilingkod ang mag-asawa sa Servants Charity, isang komunidad ng mga abandonadong batang Pilipinong may autism.

Ibinabahagi at tinutulungan ng mag-asawa ang kanilang mga sari­ling karanasan sa ibang mga pamilyang may mga mahal sa buhay na may autism at espesyal na pangangailangan para mabuhay sa isang mundong may pang-unawa at pagmamahal ang lahat ng mga pamilyang may kaparehong tadhana.

The post Ria Atayde ‘inabuso’ ni John Arcilla appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *