Rhian pinag-init ang mga boylet sa IG

Summer na ba? Mukhang napaaga yata ang summer eh?

rhian pinag init ang mga boylet sa ig - Rhian pinag-init ang mga boylet sa IG
rhian ramos 1 - Rhian pinag-init ang mga boylet sa IG

Summer na ba? Mukhang napaaga yata ang summer eh?

Nagpapasiklaban kasi ngayon sa social media ang iba’t ibang personalidad gaya nina KC Concepcion, Bianca Umali, Rhian Ramos at Ritz Azul.

Kani-kaniyang balandra sila ng kanilang mga sexy figure sa kanilang Instagram, kaya naman ang IG world ay tila halos sumabog sa sunod-sunod na mainit na post ng mga naturang artista.

Suot ang see-through long gown kung saan kitang-kita ang hubog ng katawan na naka-usli pa ang puwet, habang nakatalikod at nakahiga, nagliliyab sa higaan ang aktres na si KC.

Very genuine naman ang ngiti ni Bianca habang nag-iinit sa white bikini sa kanyang post, na maski si Sanya Lopez ay napa-comment ng “Grabe yuunn!” sa naturang litrato habang si Ruru Madrid naman ay tila natutukso na sa comment na “Stop (emoji covering face)”.

Nabitin naman ang mga kalalakihan sa sexy post ni Rhian kung saan suot niya ang itim na bikini habang may tabing pa na kulay puti ang kanyang sexy figure.

Nagpasiklab naman ng kaseksihan sa Cebu ang “Banana Sundae” star na si Ritz suot ang animal printed bikini na parang nadala ng lakas ng alon ang mga nakakita ng kanyang litrato dahil sa lakas ng dating ng kanyang sexy figure. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *