Rhian nilait sa kapayatan

Balik-taping na si Rhian Ramos para sa drama anthology na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ Makakasama ni Rhian sa mini-series ang real-life Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

The post Rhian nilait sa kapayatan first appeared on Abante.

rhian nilait sa kapayatan - Rhian nilait sa kapayatan
abante rhian 1 - Rhian nilait sa kapayatan

Balik-taping na si Rhian Ramos para sa drama anthology na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ Makakasama ni Rhian sa mini-series ang real-life Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

“Ang nakakatuwa sa kwento na ‘to, lahat ng three characters, lahat sila gray characters. Hindi sila perfect, hindi rin sila masama. Parang mga biktima sila ng circumstances nila,” chika ni Rhian.

Bukod sa bagong series, malapit na ring sumabak si Rhian at co-stars niyang sina Carla Abellana, Mikael Daez, at Coney Reyes para sa lock-in taping para sa fresh episodes ng GMA Telebabad series na Love of my Life.

Anyway, marami ang nag-aalala kay Rhian, dahil sabi nga nila, sumobra na ang payat ng dalaga. Marami ang nagsa-suggest kay Rhian na magdagdag ng timbang.

Pero, nakakalungkot lang na may mga tao pa rin, na sa halip na engganyuhin si Rhian na magpataba, mas pinili nilang laitin ito. Biktima ng body shaming si Rhian. Na kahit ang dibdib nito ay pinintasan.

Pero marami rin naman ang naka-appreciate sa body na ito ni Rhian, na sabi nga ay pang-international model ang datingan.,

Well, more than anyone else, si Rhian lang ang puwedeng magdesisyon sa katawan niya. Sabi nga, katawan niya `yan, desisyon niya kung ano ang bet niya! (Dondon Sermino)

The post Rhian nilait sa kapayatan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *