Rhian nasaktan, nangayayat sa hiwalayan kay Borsok

Tamang hinala nga kami nang mapanood namin ang Instagram Live ng Kapuso star na ri Rhian Ramos habang nagi-evacuate ito ng kanyang apartment.

The post Rhian nasaktan, nangayayat sa hiwalayan kay Borsok first appeared on Abante.

rhian nasaktan nangayayat sa hiwalayan kay borsok - Rhian nasaktan, nangayayat sa hiwalayan kay Borsok
Rhian Ramos 1 - Rhian nasaktan, nangayayat sa hiwalayan kay Borsok

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Rhian nasaktan, nangayayat sa hiwalayan kay BorsokTamang hinala nga kami nang mapanood namin ang Instagram Live ng Kapuso star na ri Rhian Ramos habang nagi-evacuate ito ng kanyang apartment.

Na break na sila ng kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok. Sa video pa lang kasi, kung makailang beses na nabanggit ni Rhian na “mag-isa” siya. Considering na noong enhanced community quarantine ay naka-lock down ito kasama ang boyfriend sa naturang apartment.

Kaya naman pala kahit na nasa gitna ng pandemic, after knowing na kailangan niya ng sariling place kapag nag-back-to-work na siya at hindi niya ma-expose ang mommy niya, naghanap ito ng malilipatan.

Siguro ay ayaw na rin ni Rhian sa dating apartment kunsaan, nandoon ang maraming memories nila ng ex-boyfriend.

Hindi binanggit ni Rhian ang dahilan ng break-up nila during the pandemic. Pero hindi nito ikinaila kung paano siya naapektuhan.

Hindi raw siya makatulog, hindi rin makakain and sey niya sa kanyang vlog, she was really in pain and she was stressed.

Na-realized na lang daw niya na nahuhulog na ang katawan niya at ang laki na ng nabawas sa timbang niya. Yun daw ang dahilan kung bakit akala ng netizens, may anorexia na siya.

Kaya yung iba, kung ano-ano na ang kino-comment sa katawan niya. Nandiyang, “hindi na sexy, looks scary!” “anorexia!” at kung ano-ano pa.

Ang mag-asawang Doc. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo ang tumulong kay Rhian, pati sa bago nitong condo. At hindi rin kami magugulat kung ang mag-asawa rin ang nakahikayat kay Rhian to join bible study.

Kahit na mukhang nag-invest talaga ng emotion at love si Rhian sa Israeli boyfriend at naapektuhan sa break-up, pwedeng sabihin ng Kapuso actress that she’s been there, done that and in no time, makaka-recover rin ito. Lalo na nga at nagbalik taping na siya.

Kasama siya sa isa sa mga episodes ng I Can See You at magre-resume na rin sila ng “Love of My Life.”

Alden pumogi sa 10K rapid, 4 swab test

Ngayong gabi na, September 28 ang pilot episode ng I Can See You, ang bagong mini-series ng GMA-7 on their GMA Telebabad block.

Ang “Love On The Balcony” na pinagbibidahan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ang balik tambalan nila (na this time ay sila na talaga ang totoong partner) ni Jasmine Curtis-Smith ang mga bida.

Nang magkaroon ng virtual presscon para rito, tinanong namin si Alden na siyang pinaka-visible palagi at in-demand celebrity, hindi lang among Kapuso kung nakaka-ilang swab test na siya.

Part na ng safety protocol sa new normal work like taping, shoot ang mag-swab test muna. At sey niya, “Swab test, apat po. Tapos, antigen, isa and rapid test po, mga 10,000!”

Natawa si Alden nang hiritan namin kung nakakaguwapo ba ang pagra-rapit test ng madalas dahil sa kabila ng alam naming nagpupuyat din siya sa mga online games niya, kapansin-pansin na mas fresh at guwapo pa siya ngayong may pandemic.

“Basta parang ganun, e, since quarantine, mas naging focused ako sa gaming since I learned from it as well. Tapos, mas maraming time since, walang soap na 3x a week, yun kasi ang medyo nakakapuyat. Nagte-taping ka ng Monday and then you continue hanggang Tuesday ng madaling-araw.

“Mas marami lang pahinga and since hindi ka palaging nasa set, talo ka palagi sa mga pagkaing hinahanda, e. So, medyo nagge-gain tayo. Mas nagkakaroon lang ng time sa sarili, exercise and since everything is done pa rin from home, mas maraming pahinga.”

Natuwa naman ang mga fan na for a change raw, naririnig nila kay Alden na may time naman ito ngayon na nakakapagpahinga na talaga.

The post Rhian nasaktan, nangayayat sa hiwalayan kay Borsok first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *