Rhian nagpalaki ng boobs?

Malaking palaisipan sa mga follower ni Rhian Ramos sa Twitter kung ano ang “bumbum” at kung bakit itinuring pa niyang compliment kung nagpa-inject siya nito.

The post Rhian nagpalaki ng boobs? appeared first on Abante News Online.

rhian nagpalaki ng boobs - Rhian nagpalaki ng boobs?
ABANTE whiam - Rhian nagpalaki ng boobs?

Malaking palaisipan sa mga follower ni Rhian Ramos sa Twitter kung ano ang “bumbum” at kung bakit itinuring pa niyang compliment kung nagpa-inject siya nito.

Sa tweet ni Rhian, nagbahagi ito ng kuwento kung saan inusisa siya ng kanyang Ate Janet na nanibago sa nakita sa kanyang katawan.

“Biggest compliment ever! Tinanong ako ni Ate Janet who has been with my family for years now, kung nagpa-inject ako ng bumbum. omg thank you ate janet!” sabi ni Rhian.

Hindi malinaw sa mga follower ni Rhian kung ano ang ‘bumbum’ na tinutukoy niya at anong parte ng katawan niya makikita ito. O baka ang ‘bumbum’ ay term lang niya sa resulta ng pinagdududahan na pagpapa-enhance niya.

Kaya kung ano-ano na lang ang comment ng kanyang mga supporter na naniniwalang nagpa-enhance nga ang aktres dahil sa reaksyon nito sa comment ng kanyang Ate Janet.

May nagsabi na baka boobs niya ang ‘bumbum’ at pinalaki niya ito?

May iba namang nagsasabing hindi nito kailangang magpadagdag sa kahit saang parte ng katawan nito dahil gusto siya ng kanyang mga tagahanga sa kung anuman ang nakasayanan na nilang makita.

Alexa Ilacad kinunsinti ang panloloko ng poser

Sa halip na magalit at kondenahin ni Alexa Ilacad ang kanyang poser na gumagamit ng kanyang larawan at pangalan sa Tinder, ikinatuwa pa ito ng Kapamilya star.

Sa kanyang Twitter post, ibinalita ni Alexa na may impostor siya sa Tinder na gumagamit ng kanyang larawan para makatawag-pansin ng maraming subscriber.

Ang Tinder ay sikat na dating app, na nagma-match ng mga account user para sa posibleng meet-up.

“So I’ve heard someone’s on tinder preten-ding to be me lol…” sabi niya.
Nasa emoticon na inilagay ni Alexa sa message niya na natawa pa ito sa panggagamit sa kanya ng poser.

Sa karugtong na mensahe nito, tila kinukunsinti pa niya ang poser dahil hindi niya sinabi sa tweet na tigilan nito ang paggagamit sa kanya.

Inuudyukan pa niya ang makaka-match ng poser na sakyan ito.

“If any of you happen to match with my poser, please let me know. I’m so curious as to how this goes. Lokolokohin nyo nga sya para sa akin,” sey pa niya.

The post Rhian nagpalaki ng boobs? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *