Reresbakan ng mga fan: Korina Sanchez ‘naagaw’ ang show ni Tetay

Tinanong ni Rose Garcia si Mell Navarro, ang publicist ng dapat sana ay show ni Kris Aquino sa TV5, kung sino ang napiling kapalit nito. Nasabi nga ni Kris na ‘the producer chose somebody else he and his sales team felt was more viable.’

The post Reresbakan ng mga fan: Korina Sanchez ‘naagaw’ ang show ni Tetay first appeared on Abante.

reresbakan ng mga fan korina sanchez naagaw ang show ni tetay - Reresbakan ng mga fan: Korina Sanchez ‘naagaw’ ang show ni Tetay
abante korinasanchez - Reresbakan ng mga fan: Korina Sanchez ‘naagaw’ ang show ni Tetay

Tinanong ni Rose Garcia si Mell Navarro, ang publicist ng dapat sana ay show ni Kris Aquino sa TV5, kung sino ang napiling kapalit nito. Nasabi nga ni Kris na ‘the producer chose somebody else he and his sales team felt was more viable.’

Well, marami nga agad ang nagkainteres sa kung sino ang ipinalit kay Kris. Pero ang sagot ng publicist (ng show, producer) ay, ‘Naku no idea pa raw na final.’

Well, ewan ko lang kung true na wala pa, o gusto lang nilang itago na muna, at gagawa sila ng event para i-announce kung sino ang ipinalit nila kay Kris. O baka natatakot din sila na mabakbakan agad-agad lalo na at inilabas nga ni Kris ang ‘truth’ niya na tila sinipa siya sa naturang show.

Mababasa ngayon pa lang sa mga social media, na reresbak ang mga fan ni Kris, na hindi nila susuportahan ang naturang show, at kung sino ang mapipiling kapalit nito, na mukhang pauulanan nila ng lait, ha!

Well, ngayon pa lang nga, na wala pa raw napipili talaga, galit na agad ang mga fan ni Kris sa kanya, kung sino man siya. Lalo na siguro kung ma-announce na kung sino siya.

At sa pagtatanong-tanong ng Abante iba’t ibang source, lumabas na si Korina Sanchez daw ang ipinalit ng prodyuser kay Kris sa talk show na `yon. Maging Love Life with Korina na kaya `yon? Abangan!

Pero `yun na nga, for sure, super talak ang mga fan ni Kris kay Korina! Eh, di ba? May isyu na nga noon kina Korina at Kris, dahil sa ginawang interbyu ni Korina sa ex-husband ni Kris?

Well…

The post Reresbakan ng mga fan: Korina Sanchez ‘naagaw’ ang show ni Tetay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *