Rere pinagtulungan ng mga kalaban sa ‘StarStruck’

Hindi ko alam kung totoo ang nangyayari sa mga “StarStruck” avenger ngayon, na sa huling episode nila ay parang pinagtutulungan ng ibang mga kasamahan niya si Rere Madrid, na kesyo pilit daw na idina-down ng mga ito ang dalaga, at pinalalabas na masama ang ugali nito.

The post Rere pinagtulungan ng mga kalaban sa ‘StarStruck’ appeared first on Abante News Online.

rere pinagtulungan ng mga kalaban sa starstruck - Rere pinagtulungan ng mga kalaban sa ‘StarStruck’
abante Rere Madrid - Rere pinagtulungan ng mga kalaban sa ‘StarStruck’

abante talbog joe barrameda 336x224 - Rere pinagtulungan ng mga kalaban sa ‘StarStruck’Hindi ko alam kung totoo ang nangyayari sa mga “StarStruck” avenger ngayon, na sa huling episode nila ay parang pinagtutulungan ng ibang mga kasamahan niya si Rere Madrid, na kesyo pilit daw na idina-down ng mga ito ang dalaga, at pinalalabas na masama ang ugali nito.

Kilala namin ang pagkatao ni Rere at malayong-malayo sa sinasabi nila. Hindi kaya nai-insecure lang ang mga ito komo kapatid siya ni Ruru Madrid?
Hindi ganu’n ang kala-karan sa mga GMA reality or artista search show. Kaya nga may text vote at boto ng council dahil ‘yon ang importante.

Mabuti na lang at buo ang loob ni Rere at hindi siya nagpapatinag sa mga kumakalaban sa kanya. At siyempre, to the rescue ang utol niyang si Ruru sa mga nanlilibak kay Rere.

Kaya nag-tweet agad ang kapatid kahit abala sa mga shooting.

“Wag mong hayaang pigilan ka ng mga taong may ayaw sayo na makarating sa rurok ng tagumpay, bagkus ay gamitin mo sila upang lalo kang magpursigi at mapatunayan sa kanila na karapat-dapat ka para sa mga bagay na meron ka ngayon. I love you Rere ! @Athenamadrid6,” tweet ni Ruru.

Jeric naakit sa alindog ng aktres

First time ni Jeric Gonzales na mag-attend sa isang ac-ting awards night. Naimbitahan nga siya na maging presenter sa katatapos na EDDYS Choice ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) na ginanap sa New Frontier Theatre, Cubao, Quezon City.

Kitang-kita namin ang galak niya na makita at makasama ang mga kapwa artista lalo na ang mga batikan na hinahangaan niya.

Dalawang magagan-da at seksing modelo ang kasabay ni Jeric sa pagpi-present ng awards. Pero may nakatawag-pansin sa kanya na mas kaakit-akit na aktres.
Sino kaya ‘yun? Talbog!

Kaya kahit tapos na ang part niya sa pagpi-present ay hindi agad siya umalis at nanood pa siya ng mga kaganapan habang tumatakbo ang programa.

Naku, paano pa kaya kung sa Oscars o Golden Globe siya mag-attend? Ganyan mangarap si Jeric. Well, everything is possible nga naman. Hindi naman masamang mangarap.

Jinggoy ginawang joke ang pagkatalo

Kuwentong EDDYS Choice pa rin. Napilitang dumalo si former Sen. Jinggoy Estrada dahil nautusan siya ng amang si former Mayor Joseph Estrada para tanggapin ang award nito.

Reluctant siya sa simula kung dadalo or hindi dahil hindi na raw siya naglalalabas simula nu’ng hindi siya nanalo last election. Pinayuhan namin siya na matagal na ang nakaraang election at normal na ang pamumuhay at hindi na pinag-uusapan ‘yun.

Kaya dumating siya sa venue na naka-jacket lang at siya lang ang hindi naka-pormal o naka-barong, dahil biglaan daw ang pagdalo niya.

Biro nga niya sa acceptance speech na humihingi ng dispensa at hindi siya naka- barong. Kung nanalo lang daw siya sa eleksyon ay siya sana ang may pinakamagandang barong na suot ngayon na ikinatawa ng lahat.

KathDen dinudumog kahit saan magpunta

Super dami ng tao at mainit na tinatanggap sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa bawat mall na pinupuntahan nila to promote “Hello, Love, Goodbye”. Sobrang hiyawan ng mga tao na hindi mo na marinig ang kinakanta ng dalawa.

Hindi magkamayaw ang mga fan sa tuwing lalabas sa entablado ang dalawa. Halatang excited ang lahat sa nalalapit na opening day ng pelikula which is on July 31. Maski kami ay excited din at walang kapaguran ang dalawa sa pag-iikot para mag-promote ng movie nila.

The post Rere pinagtulungan ng mga kalaban sa ‘StarStruck’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *