Rere Madrid super iyak, natsugi sa StarStruck

Sa ikatlong linggo ng StarStruck ay si Rere Madrid ang nalaglag. Lowest score ang nakuha niya.

rere madrid super iyak natsugi sa starstruck - Rere Madrid super iyak, natsugi sa StarStruck
rere - Rere Madrid super iyak, natsugi sa StarStruck

Talbog
Joe Barrameda

abante talbog joe barrameda 336x224 - Rere Madrid super iyak, natsugi sa StarStruckSa ikatlong linggo ng StarStruck ay si Rere Madrid ang nalaglag. Lowest score ang nakuha niya.

Akala ng iba ay hindi siya mawawala komo kapatid siya ni Ruru Madrid. Mahirap din sa kalagayan ng network at baka isipin nga ay pinapaboran ito. Gayun pa man ay considered GMA Artist talent na si Rere being one of the 14 finalists. Yun lang hindi na niya makakamit ang prem-yong inaasam-asam ng lahat.

Pag-uwi nga raw ni Rere ay yumapos sa Kuya Ruru niya at iyak nang iyak. Siyempre naawa si Ruru pero wala nang magagawa at ganun talaga.

Aiko kaabang-abanga sa Prima Donnas

Marami na ang nasasabik sa nalalapit na pagsisimula ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas. Napanood kasi sa trailer ang pagsasanib-puwersa ng mahuhusay na artista na sina Aiko M­elendez, Wendell Ramos at K­atrina Halili.

Nakaka-excite rin mapanood ang tatlong young star na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo. Pasok din sa cast sina Chanda Romero, at Benjie Paras kaya tiyak na puno ng drama at nakakaantig na mga eksena ang Prima Donnas.

Sabi ng Youtube user na si Christian Paulo Samillano, “Exciting ang scenes between Katrina, Glaiza at Aiko!” Dagdag din ng Twitter user na si Lyra Kharyl sa tweet ni Katrina tungkol sa show, “I’m so excited makita ka ulit this c­oming new serye. At least good character ka na Chiqui.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *