Regine pinaiyak ng ‘Idol PH’ contestant

regine-velasquez

Napaluha si Regine Velasquez sa pagkanta ng contestant na si Vanya Castor ng “Somewhere Over the Rainbow” noong weekend sa “Idol Philippines.”

The post Regine pinaiyak ng ‘Idol PH’ contestant appeared first on Abante News Online.

regine pinaiyak ng idol ph contestant - Regine pinaiyak ng ‘Idol PH’ contestant
regine velasquez1 - Regine pinaiyak ng ‘Idol PH’ contestant

By Ruel Mendoza

Napaluha si Regine Velasquez sa pagkanta ng contestant na si Vanya Castor ng “Somewhere Over the Rainbow” noong weekend sa “Idol Philippines.”

Ayon sa Asia’s Songbird, ito ang unang beses niyang maiyak sa isang performance.

“Ito ‘yung mga tipo ng performance na hindi mo kailangan kumanta nang mataas, kasi hindi naman everytime kaila­ngan nagbe-belt. I felt the song.

This is the first time I cried in a performance. I don’t cry. Maybe because you sang it sincerely,” saad ni Regine.

Natuwa rin si Vice Ganda sa performance ng dalaga at sinabi pang nakikita niyang magiging star ito. Hinalintulad niya ito kay Moira dela Torre na kahit hindi gumagalaw ay magaling magkuwento ng kanta.

Bumilib din sina James Reid at Moira sa rendisyon ng babae ng Judy Garland classic kaya naman nakakuha ng apat na yes ang contestant.

Kaabang-abang tuloy ang kahihinatnan ni Vanya sa “Idol Philippines” at kung siya kaya ang magiging kauna-unahang winner ng Kapamilya contest.

The post Regine pinaiyak ng ‘Idol PH’ contestant appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *