Regine, Ogie laspag na sa kakatulong

Hanggang sa KUMU ay lumabas ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez para lang sa intensyon nilang makapagbigay tulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya.

The post Regine, Ogie laspag na sa kakatulong first appeared on Abante.

regine ogie laspag na sa kakatulong - Regine, Ogie laspag na sa kakatulong
Regine - Regine, Ogie laspag na sa kakatulong

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Regine, Ogie laspag na sa kakatulongHanggang sa KUMU ay lumabas ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez para lang sa intensyon nilang makapagbigay tulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya.

Ang KUMU ay bagong venue ng mga Pinoy netizen para kumita o makahanap ng pera sa pamamagitan ng mga point o na pinapadala ng mga manonood.

Kahit hindi naman kailangan ng mag asawa ang mga ganitong paglabas, sumawsaw sila para sa mga batang walang kakayahang makabili ng pangangailangan sa online class.

“Ogre sesh was able to raise 2.024M diamonds in 1 hour and a half in @kumuph for the children who need equipment for school. Ty for your generosity everyone!!!! @reginevalcasid,” sey ni Ogie.

Ang ibang mga celebrity ay tumigil na sa fund raising project nila para sa mga nasalanta ng pandemya, pero sina Ogie at Regine ay hindi napapahinga at halos laspag na sa kakakanta ng libre sa mga online charity show makatulong lang sa mga kapuspalad.

Nagbenta na rin ng mga bags at satapos si Regine. At si Ogie naman ay ang mga collection niya ng toys ang ibinenta.

Kris nasusuklam sa ulan

Nagpasintabi na agad si Kris Bernal sa kanyang post tungkol sa ulan para makaiwas sa mga hate comment mula sa mga netizen na makakabasa ng Instagram post.

Mapapanood sa IG wall ni Kris ang video na habang tumatakbo ang kanyang sasakyan kinukunan niya ang mga rider na nakahinto sa ilalim ng tulay na kanyang dinadaanan.

Sa awa sa mga ito, naghayag ng kanyang saloobin si Kris at sinabing “One of the many reasons why i hate the rain.”

“motorcyclists, bikers, commuters have the hardest time. And when the rain gets out of hand, it’s a struggle to find shelter under the nearest bridge, tree, or shop. Cars also tend to splash water on them sometimes unintentionally. It can make driving more dangerous. It creates inconvenience and at worst it cause floods which imperil lives, livelihood, and homes. The streetchildren are catching colds. Don’t get me wrong. I also understand why others love it and why we need! Haaayy! This is just me hating the rain! Ang sakit sakit sa akin! Hands down and salute to those who conquer the dangers and hassle of the rain for their jobs!”

Dinugtungan pa ito ng isa pang rason ni Kris kung bakit ayaw niya ng ulan.

“Another reason I loathe the rain is it affects a lot of people’s moods. Rain makes me sad. Rain makes me lazy. My lifestyle and rain don’t just don’t mix well.”

May mga naka-relate kay Kris, at may iba naman nagsabing mas mainam na ito kaysa sa snow.

Rhian binaha ng regalo

Nakatulong kay Rhian Ramos ang pandemya para mapatunayan niyang marami ang nagmamahal sa kanya na mga fan. Halos 14 na cake ang hinipan ni Rhian sa selebrasyon ng kanyang birthday.

Nakaposte sa Instagram ng aktres ang video na nag-marathon siya sa pag-ihip ng mga cake sa iba’t ibang parte ng bahay ng kanyang ina.

Inulan din ng maraming regalo ang aktres. Nagmistula ring flower shop ang bahay sa rami ng mga bouquet na ipinadala sa Kapuso star.

Makikita sa reaksyon ni Rhian na halos hindi na niya makain ang mga slice ng iba’t ibang cake sa plato niya dahil sa sobrang dami.

Dahlia tinuruang magluto ni Erwan

Aliw na aliw ang mga follower ni Dahlia sa video niya. Ang nasabing Instagram account ay nilikha mismo nina Anne Curtis at Erwan Heussaff para sa anak nila.

Sa video na nakaharap ang sanggol sa lamesa habang pinapanood ang pagbalat ng gulay, super aliw ang mga fan.

Sabi sa caption, “she needs to learn how to make her own meals at one point.”

Aliw ang mga fan sa itsura ni Dahlia na nakakunot-noo, na tila nagtataka sa nakikitang eksena. Base sa mga sumunod na post, si Erwan ang may karga sa bata, at ito rin ang nagtatalop ng gulay.

Ngayon pa lang ay siguradong mamanahin na ng bata ang cooking skill ni Erwan. At ang boses at pag-arte naman kay Anne.

The post Regine, Ogie laspag na sa kakatulong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *