Regine nakakaiyak ang guesting sa Abante

Sa bahay ng sister at manager niyang si Cacai Velasquez-Mitra magno-noche buena si Regine Velasquez-Alcasid at ang kanyang pamilya bukas.

The post Regine nakakaiyak ang guesting sa Abante first appeared on Abante.

regine nakakaiyak ang guesting sa abante - Regine nakakaiyak ang guesting sa Abante
abante regube - Regine nakakaiyak ang guesting sa Abante

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 1 1 300x180 - Regine nakakaiyak ang guesting sa AbanteSa bahay ng sister at manager niyang si Cacai Velasquez-Mitra magno-noche buena si Regine Velasquez-Alcasid at ang kanyang pamilya bukas.

Balak ni Regine na magluto ng isang putaheng dadalhin nila ng mister niyang si Ogie Alcasid at anak na si Nate, pati ni Leila Alcasid.

Bale sila lang daw ang bisita ng pamilya ni Cacai, plus ang nanay nilang si Mommy Tessie. Mami-miss daw niya ang malaking pamilya ng Velasquez dahil pare-pareho silang nag-iingat dahil nandiyan pa rin naman ang banta ng COVID-19.

Sa Christmas day naman, sa bahay lang sila at bisita naman nila ang nanay ni Ogie, si Mommy Herminia.

Aminado naman si Regine na takot siyang maglalabas pa at kapag importanteng trabaho lang like shooting ng commercial at “ASAP Natin ‘To” plus ‘yung ABS-CBN Christmas Special taping ang dahilan ng paglabas nila ng bahay.

Actually, may ibang events daw na gustong physically ay nandoon sila at tinatanggihan na lang nila dahil may ibang online events lang naman at mas ok at mas safe raw ang mga ‘yon.

‘Yung nakasanayan nga raw niya na nagsa-shopping ng mga pangregalo kapag Christmas ay hindi niya nagawa ngayon at nag-order na lang sila online.

Kahit nga raw ang anak nilang si Nate ay nasanay na na kapag galing sila ni Ogie sa trabaho, limang araw ito na hindi puwedeng lumapit sa kanila at natutulog ang bata sa sarili nitong kuwarto.

“Saka si Nate, hindi rin lumalabas pa since the lockdown. Noong una, hindi niya masyadong maintindihan ‘yon, pero nasanay na rin siya.

“Like alam na niya na hindi siya puwedeng lumapit sa amin kapag galing kami sa trabaho. Na kailangan niyang matulog sa sarili niyang room. Nasanay na rin siya,” kuwento ni Regine.

‘Yan at marami pang iba katulad ng kuwento na noong araw ay inilulubog siya sa isang drum ng tubig ng tatay niyang si Mang Gerry kapag nagpa-practice kumanta ang pag-uusapan namin ng Asia’s Songbird mamayang 2:00PM sa “Anything Goes” show ko sa Abante News Online Facebook page.

May paglilinaw nga si Regine tungkol sa “paglulublob” sa kanya sa “drum” na ‘yon!

So, tutukan ang online show ko at nakakaaliw at nakakaiyak din ang guesting doon ni Regine!

Angeline, Pokwang malungkot ang Pasko

Hanggang ngayong magki-Christmas ay ramdam pa rin ang lungkot kay Pokwang, pati na kay Angeline Quinto, sa pagkawala ng kani-kanilang mga nanay.

Si Pokwang nga ay nag-post na first Christmas na hindi nila kasama ng physical ang kanyang Nanay Gloria, pero hindi raw ito mawawala sa kanilang mga puso ng kanyang pamilya.

Si Angeline naman, kahit nag-work na uli (nag-“ASAP Natin ‘To” at lock-in taping siya for “Huwag Kang Mangamba” ng ABS-CBN) ay panay pa rin ang post ng pictures at videos nila ng kanyang Mama Bob (her adoptive mom) at sinasabing miss na miss niya ito.

Naku, Dondon, kapag ganitong magki-Christmas na talaga, hindi maiwasan na maging sentimental ang mga tao.

Sabi nga ng ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera noong makatsikahan sila ng entertainment press para sa “eXes & whYS with Pops and Martin” na new musical/talk show nila sa Colours channel ng CignalTV (na nag-pilot na noong Saturday, 9:00PM), kapag ganitong panahon talaga ay may senti moments.

Noon nga raw si Pops, madalas ma-senti, pero lately naman daw ay hindi na.

Anyway, senti man o hindi, tuloy pa rin ang Christmas natin kahit pa nga may pandemic pa rin.

So, Merry, Merry Christmas at bukas ay noche buena na!

The post Regine nakakaiyak ang guesting sa Abante first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *