Regine biktima ng budol-budol

Inilunsad na ang mga pelikulang mapapanood sa 15th Cinema One Originals. At isa sa bida sa pelikulang “Yours Truly, Shirley” ay si Regine Velasquez.

regine biktima ng budol budol - Regine biktima ng budol-budol
regine 6 - Regine biktima ng budol-budol

Ni Rose Garcia

Inilunsad na ang mga pelikulang mapapanood sa 15th Cinema One Originals. At isa sa bida sa pelikulang “Yours Truly, Shirley” ay si Regine Velasquez.

Madalang lang gumawa ng movie si Regine at first time niya sa C1 Originals. Kaya marami ang nagulat sa pagtanggap niya sa movie.

Paano nga ba siya na-convince?

“Hindi ko alam, basta ang alam ko lang, nabudol ako,” natawang hirit ni Regine at saka itinuro ang director nila na si Nigel Santos.

Pero sey niya rin, “No, of course, I’m very happy to be part of this festival. It’s my first time and I’m also happy to be amongs co-actors.

“You know, I never really consider myself as an actor, I’m more of a dancer, really,” biro pa niya.

“So mahirap ilagay ‘yung sarili ko sa karamihan na magagaling na artista sa ngayon so I’m very honored to be here.”

Malungkot daw ang kuwento ng character niya bilang si Shirley dahil biyuda na siya at mag-isa. Pero dahil comedy ang genre nila kaya naging light at masaya.

May expectation agad na baka siya ang maging Best Actress. Pero may iba ring mga actress na makakalaban siya tulad nina Alessandra de Rossi at Cherie Gil.

“May labanan pala? Hindi ko alam na may labanan. Hindi naman ako na-inform, ha ha ha!”

Masaya na raw siya na maging bahagi ng C1 Originals “Kaya Mo?” sa 15th year nito.

“Like I’ve said, I’m very happy to be here at mapabilang sa magagaling na artista natin dito.

“Wala akong expectation, mas kung ihahambing mo naman ang role ko sa role ni Cherie Gil, parang kinanta niya ‘yung ‘What Kind of Fool I Am’ tapos kinanta ko ‘yung ‘Urong-Sulong’. Ha ha ha!”

Ang bongga actually sa “Yours Truly” ay ang Hashtag na si Rayt Carreon na pina-fangirling ng Asia’s Songbird sa movie.

Ang “Yours Truly, Shirley” ay magpi-premiere sa Nov. 10 sa Trinoma. Bukod dito, may iba pang pelikulang mapapanood mula sa November 7 to 17 sa Trinoma, Glorietta, Ayala Manila Bay, Gateway at Powerplant Makati.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *