Regala inakusahang sinungaling ni Dreyfuss

Ang sana’y maayos na transaksyon para sa pagpapagamot ng aktor na si John Regala, nauwi sa magulong usapan.

The post Regala inakusahang sinungaling ni Dreyfuss first appeared on Abante.

regala inakusahang sinungaling ni dreyfuss - Regala inakusahang sinungaling ni Dreyfuss
abante john regala 1 - Regala inakusahang sinungaling ni Dreyfuss

Ang sana’y maayos na transaksyon para sa pagpapagamot ng aktor na si John Regala, nauwi sa magulong usapan.

Maingay ngayon sa social media ang palitan ng pananalita ni Regala at ni Chuckie Dreyfuss.

Una ay umapela sa Tulfo si Regala upang ireklamo na wala siyang natatanggap na donasyon.

Wala umanong natanggap ni-singkong duling mula sa mga sinasabing donasyon ang aktor para sa kanyang pagpapa-gamot.
Ngunit umalma riyan ang aktor na si Dreyfuss at itinangging hindi nakaka-abot kay Regala ang mga donasyon, samakatwid nga raw, nasa P115,000 na ang napapadala sa bangko ni Regala na hinahandle raw ng dating Assitant ni Regala na si Teddy Imperial.

Iginiit pa ni Dreyfuss ang breakdown ng mga donasyon na ipinadala kay Regala galing sa mga nag-donate na kapwa sikat na personalidad gaya nina Vic Sotto at dating senador na si Jinggoy Estrada.

Pero sa pag tugon naman ni Regala, inakusahan naman ng aktor si Dreyfuss na hindi raw nagsasabi ng totoo.
Ayon sa kanya, wala naman daw siyang natanggap na breakdown ng funds at puro resibo lang ng ospital at bank receipt ang kanyang natanggap. (Athena Yap)

The post Regala inakusahang sinungaling ni Dreyfuss first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *