Rayver napagkamalang si Kuya Germs

May balak bang i-revive ang “Walang Tulugan with The Master Showman” at si Rayver Cruz ang maghu-host?

rayver napagkamalang si kuya germs - Rayver napagkamalang si Kuya Germs
rayver cruz 1 - Rayver napagkamalang si Kuya Germs

May balak bang i-revive ang “Walang Tulugan with The Master Showman” at si Rayver Cruz ang maghu-host?

Napapansin kasi ng maraming netizen ang mga makukulay at makikintab na suot ni Rayver tuwing maghu-host ito ng “The Clash”.

Sey ng isang netizen, naaalala raw niya ang mga suot ng yumaong Kuya Germs sa mga sinusuot ni Rayver sa “The Clash”. Kung hindi raw ito sobrang colorful, may mga nakadikit na mga makikintab na sequins at rhinestones.

Reklamo naman ng isang fan ni Rayver, palitan daw ang stylist o kung sino raw ang nagdadamit kay Rayver sa “The Clash” dahil parang pinag-eeksperimentuhan daw ang aktor.

Guwapo na raw si Rayver at kahit simple lang ang suot nitong coat and tie ay sapat na. Bakit daw kailangan na magmukhang payaso si Rayver sa mga suot niya?

Hindi raw kailangang makipagpasiklaban si Rayver sa mga suot ng co-host niya sa “The Clash” na si Julie Anne San Jose. Okey lang daw kay Julie ang magsuot ng mala-Las Vegas showgirl gowns, pero big turn off daw kapag ang suot ni Rayver ay parang mga suot ng magician sa isang show. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *