Rayver kakilig mensahe kay Gutierrez

Bumuhos ang pagbati kina Janine Gutierrez at Elijah Canlas dahil sila ang nanalong best actress at best actor, respectively, noong isang gabi sa Gawad URIAN 2020.

The post Rayver kakilig mensahe kay Gutierrez first appeared on Abante.

rayver kakilig mensahe kay gutierrez - Rayver kakilig mensahe kay Gutierrez
Rayver Cruz - Rayver kakilig mensahe kay Gutierrez

Jun Lalin Anything Goes 42 4 300x200 - Rayver kakilig mensahe kay GutierrezBumuhos ang pagbati kina Janine Gutierrez at Elijah Canlas dahil sila ang nanalong best actress at best actor, respectively, noong isang gabi sa Gawad URIAN 2020.

Si Janine ay nanalo para sa “Babae at Baril” movie na siya ring naging best picture. Si Elijah naman ay nanalo para sa “Kalel, 15”.

Parehong tuwang-tuwa ang parents ni Janine na sina Lotlot de Leon at Ramond Christopher sa pagkapanalo ng kanilang panganay na anak.

Siyempre, ang mga kasamahan ni Janine sa LVD Management ay sobrang masaya rin for her at sila ang mga unang nag-congratulate sa kanya sa social media, like Ogie Alcasid, Paulo Avelino, Lovi Poe at iba pa.

Marami naman ang kinilig sa post ni Rayver Cruz na super proud siya for Janine. Dagdag pa ni Rayver, “More to come ‘yan, lista mo na.”

I’m sure, magse-celebrate sina Janine at Rayver sa pagkapanalo ng una, huh!

Ang sweet nga pala ni Janine dahil kahit napuyat siya noong Tuesday dahil maraming nagko-congratulate sa kanyang pagkapanalo ay kaagad pa rin siyang nag-reply at nagpasalamat nang mag-text ako sa kanya.

Kokoy nagbunyi sa panalo ni Elijah

Sabi naman ng manager ni Elijah na si Direk Perci Intalan, madaling araw na ay gising pa ang young actor dahil busy ito sa pagre-reply sa mga nagko-congratulate dito.

Pati ang “Gameboys” “love team” niyang si Kokoy de Santos ay nag-congratulate rin kay Elijah.

Kinilig ang die-hard fans ng EliKoy sa message ni Kokoy kay Elijah.

“CONGRATS BABY!!!!” sabi ni Kokoy na sinagot naman ni Elijah ng, “THANK YOU BABYYYY HUHU.”

Sobrang happy na ang EliKoy sa pagtatawagan pa rin ng kanilang mga idolo ng “BABY”.

Sabi ni Direk Perci, mahaba pa raw ang chat nina Elijah at Kokoy, pero private chat na raw ‘yon. Madalas naman daw talagang mag-PM ang dalawa.

Hindi raw napanood mismo ni Elijah ang live streaming ng URIAN dahil kauuwi lang niya ng bahay. Galing daw ang young actor sa COVID-19 swab testing dahil today ang start ng quarantine nila para sa pagla-lock-in taping na naman nila for TV5’s Christmas-serye, ang “Paano Ang Pasko”.

“Family ni Elijah ang nanonood nang tawagin siyang winner for best actor. Nagsigawan sila satuwa, ‘tapos kami na ni Direk Jun (Lana) ang tumawag kay Elijah. Sobrang happy siya!” sabi pa ni Direk Perci tungkol sa pagkapanalo sa URIAN ng kanyang talent.

The post Rayver kakilig mensahe kay Gutierrez first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *