Rayver ‘di kayang tapatan ang paghuhubad ni Enchong

Lumalabas na si Enchong Dee nga ang pinakamatapang sa tropa nina Rayver Cruz at Gerald Anderson. Ang hindi nagawa nina Gerald at Rayver, kayang-kaya ni Enchong.

The post Rayver ‘di kayang tapatan ang paghuhubad ni Enchong appeared first on Abante News Online.

rayver di kayang tapatan ang paghuhubad ni enchong - Rayver ‘di kayang tapatan ang paghuhubad ni Enchong
ABANTE rayver - Rayver ‘di kayang tapatan ang paghuhubad ni Enchong

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Rayver ‘di kayang tapatan ang paghuhubad ni EnchongLumalabas na si Enchong Dee nga ang pinakamatapang sa tropa nina Rayver Cruz at Gerald Anderson. Ang hindi nagawa nina Gerald at Rayver, kayang-kaya ni Enchong.

At ito nga ‘yung pag-i-endorse ng ‘briefs’, pagrampa sa harap ng maraming tao na katiting na saplot lang ang suot.

“Si Enchong Dee ‘yon. Hahahaha! Mahirap tapatan ‘yon.
“Asar talo sa amin ‘yon. Pero proud kami sa kanya. Pinaghandaan talaga niya ‘yon.

“Alam ko naman na swimmer si Enchong, na gym buff siya. Pero nu’ng makita ko ‘yung video, nag-text ako sa kanya, na ‘Bro hindi biro ‘yan, ha! Na at your age? Eh, 40 na yata si Enchong. Hahahahaha!

“Ang galing talaga niya, kasi consistency ‘yon. Mahirap mag-maintain ng ganu’n kagandang katawan,” kuwento ng bida ng teleseryeng “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” na mapapanood sa GMA-7.

So, kaya mo bang tapatan si Enchong o hindi?

“Mag-brief? Hindi ko kaya. Hanggang jeans lang siguro. Balato ko na lang kay Enchong ‘yon! Hahahaha!” sagot ni Rayver.

Anyway, hindi nga nawawala ang friendship nilang tatlo, kahit nasa magkalabang istasyon na sila.

“Hindi nawawala ang friendship namin nina Enchong at Gerald. Halos everyday nakakausap ko naman sila. Nagpaplano rin kaming magbakasyon, kami-kami lang, kapag walang trabaho.

“Matagal na naming plinano ‘yon, mga boys lang talaga. Blessed ako na nagkaroon ako ng mga kaibigan na ganu’n ka-solid, na hanggang sa pagtanda namin,” sabi na lang ni Rayver.

Dingdong hinarap ang mga endemic animal
sa Calauit Safari Park

Ngayong Linggo ay tutuklasin ng grupo ni Dingdong Dantes ang disyerto at kagubatan sa “Amazing Earth” kung saan ipapamalas ng mga predator ang kanilang strategies pagdating sa paghuli ng preys.

Limang nakakamanghang kuwento mula sa nature-documentary ng BBC na “The Hunt” ang ipepresenta ng award-winning host at Kapuso primetime king na si Dingdong, mula sa mga karagatan ng last ecological frontier ng bansa, ang Palawan.

Sa “Lagot si Lolo Buffalo,” maglalakbay tayo sa kagubatan ng Zambia kung saan isang lupon ng leon ang susubukang patumbahin ang 800-kilo na buffalo sa ilalim ng init.

Habang ang ibang predators ay nanghuhuli ng grupo-grupo, ang Ethiopian wolves ay kakaiba, tunghayan sa “Kanya-Kanya Muna Tayo.”

Mamangha sa mga kakaibang techniques na ipapakita ng orange-colored wolves sa paghuli nila ng mole rats at grass rats… “Sa Labas ng Lungga.”
Sa “Mga Paandar na Patibong,” ibabahagi sa inyo kung paano gumawa ng nakakamatay na patibong ang mga antilon larvae at spoor spider sa Namib Desert para sa mga walang kamalay-malay na Hotrod ants.

Ang malawak na Etoshan ng Southern Africa ang lugar ng ating huling kuwento na “Basang-basa sa Ulan.” Sa namumuong sama ng panahon, lilituhin ng mga leon ang grupo ng zebras bago sila umatake.

Alamin ang mga endemic animals na matatagpuan lamang sa Calauit Safari Park at ang mga pagsubok nilang kinakaharap sa panayam ni Dingdong Dantes sa game keeper na si Hilario Darol.

Sa animated trivia segment, pag-uusapan ang tungkol sa golden poison frog, isa sa pinaka-nakakalason na hayop sa animal kingdom. Alam niyo ba na ang compound na matatagpuan sa kanilang venom ay dine-develop na maging painkiller? Nakakabilib!

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, ipinagdiriwang ng “Amazing Earth” ang unang anibersaryo nito sa Palawan at matutunghayan tuwing Linggo pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”

The post Rayver ‘di kayang tapatan ang paghuhubad ni Enchong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *