Raymond super chika kina Snoop Dogg, Jaden Smith, Hailey Bieber, Jordyn Woods

Kahapon ay ka-text ko si Raymond Gutierrez na back in Los Angeles, California from Coachella Valley last weekend kung saan u­mattend siya ng music and arts festival doon. Siyempre, mara­ming Hollywood celebrities ang spotted doon.

The post Raymond super chika kina Snoop Dogg, Jaden Smith, Hailey Bieber, Jordyn Woods appeared first on Abante News Online.

raymond super chika kina snoop dogg jaden smith hailey bieber jordyn woods - Raymond super chika kina Snoop Dogg, Jaden Smith, Hailey Bieber, Jordyn Woods
Abante 2019 Raymond Gutierrez 1 - Raymond super chika kina Snoop Dogg, Jaden Smith, Hailey Bieber, Jordyn Woods

abante anything goes jun lalin 336x224 - Raymond super chika kina Snoop Dogg, Jaden Smith, Hailey Bieber, Jordyn WoodsKahapon ay ka-text ko si Raymond Gutierrez na back in Los Angeles, California from Coachella Valley last weekend kung saan u­mattend siya ng music and arts festival doon. Siyempre, mara­ming Hollywood celebrities ang spotted doon.

Na-invite siya ng Levi’s na pumunta roon, kaya wala raw siyang ginastos unlike noong mga punta niya roon na sari­ling gastos niya ang lahat.
“Every year Levi’s has a big event in Coachella and they invite celebs from all over the world to be a part of it. This year I’m one of their guests. So they invited me as part of the Levi’s crew,” sabi ni Mond.

Sino-sino ba ang mga celebrity na nakasama niya roon?

“Yeah, Jordyn Woods, Jaden Smith, Snoop Dogg, Hailey Bieber. ‘Yan mga kasama ko sa Levi’s event. And other influencers from around the world like UK, South America, Korea and Japan.”

Marami rin daw celebs na umattend doon na nakita ni Raymond.

“I saw Ariana Grande, Khalid, Katy Perry, Ken­dall Jenner, Gigi Hadid.”

At tiyak na matutuwa ang K-Pop fans dahil sabi pa ni Raymond, “I also saw K-Pop group BlackPink.”

As you read this, papunta na si Raymond sa Maui, Hawaii kung saan magkikita sila ng twin brother niyang si Richard Gutierrez (kasama sina Sarah Lahbati at Zion) at kuya na si Elvis Gutierrez (with wife Alexa and daughter Aria) for a wedding ng anak ng fami­ly friend nila na si Mary Ann Opeña.

Monching boto kay Rayver para kay Janine

Alam mo, Dondon, hindi ko na inusisa pa sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz kung may “label” na ang closeness nilang dalawa nu’ng makita ko sila last Sunday sa Power Plant Mall sa Rockwell, Makati City.

Feeling ko kasi, obvious naman sa mga kilos nila kung anumang relasyon ang meron sila, huh!

Saka nang biruin ko naman sila na “huli” sila na magka-date, tatawa-tawa lang ang dalawa.

Mukhang ang motto naman ng dalawa ay, “what you see is what you get!”
Nang makita ko nga pala sila, da­lawa lang silang magkasama, but after, may nakita ako sa Instagram story (hindi ko lang matandaan kung kanino) na kasama nilang nagdi-dinner ang siblings ni Janine inclu­ding her dad, si Ramon Christopher.

Oo nga pala, ayokong usisain sina Janine at Rayver dahil sa kuwento ni Monching (palayaw ng dad ni Janine), kahit siya naman ay hindi inu­usisa ang anak tungkol doon. Kahit nga raw nakakasama nila si Rayver, hindi rin ito inuusisa ni Monching.

Pero sabi nga ni Monching, mabait at mares­peto si Rayver, kaya naman welcome nila itong makasama kapag kumakain sila sa labas.

Baligtarin sina Kara, Mia

Dahil nagkabaligtad ngayon sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz) sa “Kara Mia” primetime fantaserye ng GMA-7, may mga nagbibiro na gawin na raw Mia Kara ang title ng kanilang show, huh!

Sa ngayon kasi, kapag nagiging isang katawan ulit ang dala­wang bida kapag umaga na, si Mia na ang nasa harap at siya na ang may control sa iisang katawan nila ni Kara. Pero ‘yun lang ang existing plot point ngayon at puwede namang mabalik sa dati.

Naaaliw nga pala ang creative heads ng “Kara Mia” sa birong baligtarin ang title ng show.

The post Raymond super chika kina Snoop Dogg, Jaden Smith, Hailey Bieber, Jordyn Woods appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *