Raymond gustong makaharap si Yilmaz sa Istanbul

‘Kaaliw ang palitan namin ng text messages ni Raymond Gutierrez kahapon. Nasa Istanbul, Turkey kasi si Raymond, kaya kinumusta ko ang stay niya roon.

The post Raymond gustong makaharap si Yilmaz sa Istanbul appeared first on Abante News Online.

raymond gustong makaharap si yilmaz sa istanbul - Raymond gustong makaharap si Yilmaz sa Istanbul
Raymond Gutierrez - Raymond gustong makaharap si Yilmaz sa Istanbul

abante anything goes jun lalin 336x224 - Raymond gustong makaharap si Yilmaz sa Istanbul‘Kaaliw ang palitan namin ng text messages ni Raymond Gutierrez kahapon. Nasa Istanbul, Turkey kasi si Raymond, kaya kinumusta ko ang stay niya roon.

“No sign of Yilmaz (Bektas) yet. LOL,” text niya at natawa rin ako, kaya sinagot ko na, “Makakasalubong mo rin and be ready! Huwag kang mainip. Hahaha!”

Pero, mukhang wala namang problema kung mag-krus man ang landas nila roon dahil matagal na rin namang hiwalay ang ate nilang si Ruffa Gutierrez sa tatay nina Lorin at Venice.

Actually, mukhang kahit si Ruffa naman ay naka-move-on na sa episode na ‘yon ng kanyang buhay. Aba, first quarter of 2007 pa ‘yon, so, matagal na talaga!

Anyway, kuwento pa ni Raymond, he’s still waiting for Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at iba pang celebrities na invited din sa Magnum event doon.

“They have a layover in Dubai, nandoon na sila now, they’re arriving here tonight.

“So far, I’ve been here with the Magnum team doing ocular and checking everything. I’m creative director for the brand, so, I have to be here early,” sabi ni Raymond.

Ang Istanbul ay ang isang bansa na nasa dalawang continents. Ang isang bahagi ay nasa Asia at ang isa ay nasa Europe, kaya tiyak daw na mag-e-enjoy sila roon nina Richard, Sarah at iba pang celebrities na darating doon (as you read this, nandoon na rin sina Daniel Matsunaga, Coleen Garcia, Maggie Wilson at iba pa).

Rico J. Puno pararangalan sa US

Kung nasaan man ngayon ang tinaguriang The Total Performer na si Rico J. Puno (SLN), tiyak na matutuwa siya dahil kahapon ay ibinalita sa akin ng concert promoter/producer na si Anna Puno ng StarMedia Entertainment na may tri-bute sila sa yumaong singer/comedian sa OPM Hitmakers (The Final Tour) USA & Canada 2019.

Mula August hanggang September ay lilibot sa USA at Canada sina Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy Zuniga at Marco Sison para mag-concert at bawat show raw ay may part na tri-bute kay Rico.

“May isang production number na habang kumakanta ang apat, makikita naman sa screen si Kuya Rico na kuma-kanta rin ng same song, so, parang kasama siya sa production number.

“Tribute namin ‘yon kay Kuya Rico na palagi naming kasama sa OPM Hitmakers concert tour.

“The last time na kasama namin siya was last year,” sabi ni Anna.

Hanggang ngayon, malungkot pa rin ang grupo dahil sa pagkamatay last year ni Rico!

Anyway, dagdag ni Anna, mabenta pa rin ang group dahil nine show nga sila at, “Baka maging 12 shows pa kasi may tatlo pa kaming hinihintay na cities.
 

Politiko winalanghiya ng kamag-anak

Tahimik na lang ang isang showbiz personality sa tsikang ang isang “relative” pa nila ang nangwalanghiya at kumampi sa kanilang kalaban para masigurado ang kanilang pagkatalo.

Hindi naman maikakailang may problema sila sa “relative” na ‘yon, pero hindi nila inakala talaga na kakampi ito sa kalaban nila sa politika para mapabagsak ang kanilang pamilya.

Sobrang hurt nga si showbiz personality sa ginawang ‘yon ng kanilang “relative” kaya naman may “patama” siya sa kanyang social media account tungkol doon.

The post Raymond gustong makaharap si Yilmaz sa Istanbul appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *