Raymond Bagatsing ‘di pa divorced kay Cora Pastrana

Na-interview ko noong Sunday evening si Cora Pastrana, ang babaeng pinakasalan ni Raymond Bagatsing sa Los Angeles, California noong based pa roon ang aktor.

raymond bagatsing di pa divorced kay cora pastrana - Raymond Bagatsing ‘di pa divorced kay Cora Pastrana
ABANTE bagatsing - Raymond Bagatsing ‘di pa divorced kay Cora Pastrana

abante anything goes jun lalin 336x224 - Raymond Bagatsing ‘di pa divorced kay Cora PastranaNa-interview ko noong Sunday evening si Cora Pastrana, ang babaeng pinakasalan ni Raymond Bagatsing sa Los Angeles, California noong based pa roon ang aktor.

Nilinaw nga ni Cora na hindi marriage for convenient ang kasal nila ng aktor, lalong hindi raw siya ang dahilan kaya nagkaroon ng Green Card si Raymond.

Si Raymond daw mismo ang nag-apply ng extraordinary ability visa nito sa Amerika, ayon kay Cora. Sinabi rin ni Cora na hindi pa sila divorced ni Raymond.

Hindi na rin pinapansin ni Cora ang mga taong hindi naniniwala na dahil sa pag-ibig kaya sila nagpakasal ni Raymond.

Nakakatuwa nga na kahit matagal na sa Phi-lippines si Raymond ay puro magaganda ang sinasabi ni Cora tungkol sa aktor!

Lorin balik ‘Pinas na

As you read this, pareho na k­aming nakabalik ng bansa ni Lorin Gutierrez, magkahiwalay nga lang kami ng flight dahil Phi-lippine Airlines siya at All Nippon Airways naman ako.

Nang i-endorse ko si Lorin sa mga taga-PAL sa Tom Bradley Airport, tinanong ko ang nanay niyang si Ruffa Gutierrez kung sino ang susundo sa anak niya sa NAIA.

Bale 4:00AM ang dating ni Lorin, kaya hindi sure si Ruffa kung kakayanin niyang sumundo ng ganoon kaaga lalo na at nakakaramdam pa rin siya ng matin-ding jet lag.

Pero nag-text pala si Lorin sa kanyang nanay, kaya nang magkausap kami ulit ni Ruffa bago kami nag-goodbye ni Lorin sa isa’t isa ay nagsabi si Ruffa na siya na mismo ang susundo sa kanyang panganay.

“I will sleep early, sana nga, then ako na ang susundo kay Lorin,” sey ni Ruffa.
Well…

Pops type m­aka-tandem si Martin sa talk show

Before I left LA, nagkita muna kami ni Pops Fernandez sa iSkin Face & Body Spa sa West Hollywood. Parang may meet & greet doon si Pops dahil napakaraming nagpunta sa clinic ni Imee Ong nang malamang darating siya roon.

Sanay na sanay na si Pops na sa tuwing nagkikita kami ay inila-live ko siya sa Abante News Online Facebook page. Kinongratulate ko nga si Pops sa pagho-host nila ng ex-husband niyang si Martin Nievera ng isang beauty pageant sa Redondo Beach noong Saturday.

Maraming nagsabi na gusto nilang mapanood ulit sa isang TV show sina Pops at Martin as hosts at ok daw ‘yon sa tinaguriang Original Concert Queen.

Kung magkakaroon daw ng offer at maganda naman, why not daw!
Samantala, handang-handa na raw sila sa si-mula ng kanilang “Two-gether Again” US concert tour sa LA on August 10.

Anyway, five years na pala siyang endorser ng iSkin Face & Body Spa at sabi ni Imee, malamang na forever na ang samahan nila ni Pops!
Ang bongga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *