Raymart ‘di na ‘banned’ kay Claudine

Raymart ‘di na ‘banned’ kay Claudine

Mukhang puno ng positivity ngayon ang paligid ni Claudine Barretto. Mula nga nu’ng magkaayos sila ni Gretchen ­Barretto, unti-unti ay gumaganda ang disposisyon niya sa buhay.

raymart di na banned kay claudine - Raymart ‘di na ‘banned’ kay Claudine
raymart santiago - Raymart ‘di na ‘banned’ kay Claudine

Mukhang puno ng positivity ngayon ang paligid ni Claudine Barretto. Mula nga nu’ng magkaayos sila ni Gretchen ­Barretto, unti-unti ay gumaganda ang disposisyon niya sa buhay.

Heto nga at mukhang nagkakaayos na rin sila ng ex-husband niyang si Raymart Santiago. Spotted­ nga si Raymart kasama ang dalawa niyang anak, sina Sabina at Santino.

“Sundays be like…” simpleng caption ni Raymart sa photo na kasama ang dalawa niyang anak.

Ito nga ang matagal na ring inaasam ni Raymart, ang makasama ulit ang mga anak niya. ‘Di ba nga, parang matagal-tagal din kasi silang hindi nag-usap ni Claudine, at siyempre, kasunod noon ay ang ­hindi niya nakakasama ang dalawa niyang anak.

May mga panahon pa nga na sa isang event ni Sabina ay si Piolo Pascual ang kasama ni Claudine.

Well, super happy nga si Gretchen sa nakita niya, na pinaulanan nga niya ng puso ang post na ‘yon ni Raymart. At sobrang saya rin ng mga fan nila.

May mga umaasam din na sana ay magkabalikan pa sina Raymart at Claudine, na sa tingin ko ay medyo malabo sa kasalukuyan, lalo na at sabi nga ay may dyowa ang aktor ngayon. Wala pa naman akong nababalitaan na hiwalay na sina Raymart at ang bago niyang girlfriend.

kate_eque, “Parang di po kayo tumatanda. Sana in the end kayo pa rin po ni Ms. Claudine. Super bagay tlga kayo eh. Cute cute ni Santino.”

maizabala17, “Happy to see magkakasama kayo mag-bonding.”
Well ang mahalaga ngayon, hindi na banned si Raymart kay Claudine. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *