Rapper T.I. pinapa-annual virginity check-up ang anak

Hindi karaniwang ginagawa ng mga magulang pero isang inspirasyon para sa mga kagaya niya ang rebelasyon ng international rapper na si T.I. sa podcast ng “Ladies Like Us”.

rapper t i pinapa annual virginity check up ang anak - Rapper T.I. pinapa-annual virginity check-up ang anak
TI - Rapper T.I. pinapa-annual virginity check-up ang anak

Hindi karaniwang ginagawa ng mga magulang pero isang inspirasyon para sa mga kagaya niya ang rebelasyon ng international rapper na si T.I. sa podcast ng “Ladies Like Us”.

Sinabi niyang dinadala niya taon-taon ang kanyang panganay na anak na si Deyjah Harris sa gyno para i-check kung virgin pa ba ito o hindi.

Tinanong ng hosts na sina Nazanin at Nadia kung nagkakaroon ba sila ng usapan tungkol sa sex bilang mag-ama. Each year daw sila bumibisita ng gyno, usually ginagawa ito tuwing pagkatapos ng birthday ni Deyjah.

Aniya, ginagawa niya lang ang kanyang papel bilang magulang sa kanyang anak.

Kaka-18 lang ni Deyjah kaya mas maingat din ang kanyang pag-aalaga dito.

Nagbabala siya na ‘di porket nag-18 na si Deyjah ay basta puwede na siyang lapitan ng older guys. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *