Rachelle Ann bumirit, baby sa tiyan sumipa

Dahil naka-lockdown ang London dulot ng bagong strain ng COVID-19 virus, lalong nag-ingat si Rachelle Ann Go sa kanyang pagbubuntis.

The post Rachelle Ann bumirit, baby sa tiyan sumipa first appeared on Abante.

rachelle ann bumirit baby sa tiyan sumipa - Rachelle Ann bumirit, baby sa tiyan sumipa
abante rachelle ann go - Rachelle Ann bumirit, baby sa tiyan sumipa

Dahil naka-lockdown ang London dulot ng bagong strain ng COVID-19 virus, lalong nag-ingat si Rachelle Ann Go sa kanyang pagbubuntis.

May naayos na raw silang baby room ng mister niyang si Martin Spies na excited na sa first baby nila.

Nasa 30 weeks na ang ipinagbubuntis ni Rachelle Ann at suwerte raw siyang walang mga kumplikasyon sa kanyang pagbubuntis. Nakakapagtrabaho pa rin daw siya kahit nasa bahay lang.

“Mas maraming time to serve the church. I’ve been recording. I’ve been dong online services. Kapag may mga gigs din ako na nanggagaling sa Philippines, I’ve been recording stuff which is easier ngayon na buntis ako,” sey ni Rachelle.

Kasama raw sa daily routine ni Rachelle ay kantahan ang kanyang baby bump tuwing umaga.

“Every morning kasi, when I do my quiet time, nagpe-play ako ng worship music. Hala sige, kanta ‘ko nang kanta. ‘Pag naghi-hit na ko ng high notes, hindi ko alam kung naiingayan siya or nae-enjoy niya. Kapag nagpe-play kami ng music, ‘pag maingay, sumisipa ‘yung baby,” kuwento pa niya.

Dahil sa kanyang kalagayan, nagawang tanggihan ni Rachelle ang mapasama sa concert ng Les Misérables noong nakaraang December. (Ruel Mendoza)

The post Rachelle Ann bumirit, baby sa tiyan sumipa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *