Rabiya may hiling kay Sarah G.

Habang dumarami ang TV guesting ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, parami nang parami ang humahanga, at tila ineengkanto sa kagandahan niya.

The post Rabiya may hiling kay Sarah G. first appeared on Abante.

rabiya may hiling kay sarah g - Rabiya may hiling kay Sarah G.
rabiya - Rabiya may hiling kay Sarah G.

Habang dumarami ang TV guesting ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, parami nang parami ang humahanga, at tila ineengkanto sa kagandahan niya.

Sa guesting niya sa It’s Showtime, puro positibo, papuri ang lumabas sa bibig ng mga host nito.

Sabi nila, mukha raw Barbie si Rabiya, dahil sa sobrang ganda ng mukha nito. At kahit si Vice Ganda nga ay natutulala kay Rabiya, pati na si Ryan Bang, na nauna talagang magpa-picture kay Rabiya.

Sobrang bilib din sina Kim Chiu, Vhong Navarro, Amy Perez, Karylle sa pagrampa, at credentials ni Rabiya, na nagtuturo nga sa isang review center.

At siyempre, tulad ng ibang kababaihan, mahilig din sa musika si Rabiya.

“Mahilig ako sa music, pero ang music hindi mahilig sa akin!” sabi niya.

Kulay ‘popster’ nga raw ang dugo ni Rabiya. Meaning, idol na idol niya si Sarah Geronimo Guidicelli.

“Popster po talaga ako. Miss Sarah G, baka naman! Hahahaha!” panawagan pa niya kay Sarah.

Lahat daw ng kanta ni Sarah ay pinipilit niyang kantahin, at memoryado talaga niya.

So, Sarah, baka naman puwedeng magbigay ka ng inspirasyon kay Rabiya, bago ito makipaglaban sa Miss Universe, ha!

The post Rabiya may hiling kay Sarah G. first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *