Puwet ni Sue pinanggigilan ng mga boylet

Malayo pa naman ang summer ah? Bakit parang masyado nang nag-iinit ang mundo ngayon sa social media?

puwet ni sue pinanggigilan ng mga boylet - Puwet ni Sue pinanggigilan ng mga boylet
sue ramirez 1 - Puwet ni Sue pinanggigilan ng mga boylet

Malayo pa naman ang summer ah? Bakit parang masyado nang nag-iinit ang mundo ngayon sa social media?

Kung makikita kasi ang ibinahaging litrato ng aktres na si Sue Ramirez, aba’t parang mauuna pa ang summer kaysa sa Pasko eh.

Suot ang itim na bikini na may hugis kabibe, na-pull off talaga ng aktres ang pagsusuot ng naturang swimwear maski mukhang nagsusukat pa lang siya sa isang dressing room.

Pero ang mas umagaw sa atensyon ng mga fan, lalo na ang kalalakihan, ay ang masusulyapang malusog na puwet ng aktres sa may salamin. Nagkandarapa nga talaga ang kalalakihan sa Twitter nang makita ang litratong ‘yun. Paano itatanggi na ang kalalakihan talaga ang pinaka-natuwa sa litratong iyon, eh karamihan ng nasa listahan ng mga nag-like ay lalaki ang account.

Samantala, karamihan naman sa kababaihan ay nainggit at na-inspire na magpa-sexy dahil sa nakakaakit na sexy figure ni Sue. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *