Puwet ni Coleen pinulutan ng mga fan

Wala pang ilang minuto, humamig agad ng libo-libong likes at komento ang sexy photo ni Coleen Garcia sa Instagram. At muli, pinatunayan ni Coleen na walang tatalo sa kanya kung patapangan, palakasan ng loob din lang na magpasi­lip ng kaseksihan ang pag-uusapan.

The post Puwet ni Coleen pinulutan ng mga fan appeared first on Abante News Online.

puwet ni coleen pinulutan ng mga fan - Puwet ni Coleen pinulutan ng mga fan
Coleen Garcia Crawford - Puwet ni Coleen pinulutan ng mga fan

Wala pang ilang minuto, humamig agad ng libo-libong likes at komento ang sexy photo ni Coleen Garcia sa Instagram. At muli, pinatunayan ni Coleen na walang tatalo sa kanya kung patapangan, palakasan ng loob din lang na magpasi­lip ng kaseksihan ang pag-uusapan.

‘Nakakaiyak! Ayan na siya! ­Ayawan na! Reyna talaga! Body goals!’

Ganyan nga ang reaksyon ng mga fan sa pinasilip na photo ni Coleen sa kanyang IG.

Eh kasi naman, puwet kung puwet talaga ang ipinasilip niya, ha! Wala ngang pakundangan, o ni katiting na pag-aalinlangan si Coleen sa pagpapasilip niya.

Alam na alam niya kung paano kunin ang atensyon ng mga netizen. Alam na alam niya kung ano ang makapagpapaligaya sa kanyang mga follower.

“Paradise isn’t a place. It’s a fee­ling,” bahagi ng caption ni Coleen, kasunod ang pagpu-promote ng @mrs_sea_online at mrssea.com.

Well, kung sa tingin niyo ay magagalit ang mister niyang si Billy Crawford, nagkakamali ulit kayo. Sabi nga ni Coleen noon, si Billy pa raw mismo ang nagsisilbing photographer niya sa mga sexy photo niya.

“Bing Boong Bang! Das ma Wife!!! @coleen!” buong pagmamalaking mensahe ni Billy.

Sunod-sunod nga ang mga komento ng mga fan sa sexy photo, papuwet na ‘yon ni Coleen.

rhiannarohans, “Wow very proud c hubby @billycrawford.”

diannecurray, “OH MY GOSH COLEEN! How do you manage to still look like that even with all the food.”

Well…

The post Puwet ni Coleen pinulutan ng mga fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *