Puntod nina FPJ, Julie Vega, Rico Yan dinudumog tuwing Undas

Kapag araw ng mga patay, tatlong sikat na personalidad sa showbiz ang madalas dumugin ng mga tao, mga fan. Sila nga ang mga artista na hanggang ngayon ay tila nananatili pa ring buhay sa puso ng mga Pilipino.

puntod nina fpj julie vega rico yan dinudumog tuwing undas - Puntod nina FPJ, Julie Vega, Rico Yan dinudumog tuwing Undas
FPJ - Puntod nina FPJ, Julie Vega, Rico Yan dinudumog tuwing Undas

Kapag araw ng mga patay, tatlong sikat na personalidad sa showbiz ang madalas dumugin ng mga tao, mga fan. Sila nga ang mga artista na hanggang ngayon ay tila nananatili pa ring buhay sa puso ng mga Pilipino.

Na kahit ilang dekada, o taon na silang wala sa mundo, hindi pa rin sila nakakalimutan ng mga fan. At talagang nag-e-effort ang mga fan na magdala ng mga bulaklak, magtirik ng mga kandila, at ipagdasal sila.

Una na nga riyan si Fernando Poe, Jr. na nakahimlay sa Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila. Namatay si Da King noong December 14, 2004 sa edad na 65, at hanggang ngayon ay palagi pa ring binibisita ng mga tagahanga ang kanyang puntod.

Hindi rin nakakalimutan ng mga fan si Julie Vega na nakalibing sa Loyola Memorial Park, Marikina. Palagi ngang box-office ang puntod ni Julie, kahit hindi na nga siya masyadong kilala ng mga millennial.

Mapapansin mo nga na karamihan ng mga dumadalaw sa puntod ni Julie ay mga may edad na ring babae, o mga nanay na rin. Parang kapatid, o anak kung ituring nila si Julie Vega.

Noong May 6, 1985 sa edad na 16 o 17 namatay si Julie Vega sa sakit na pneumonia. Subukan mong balikan ang mga clipping o mga write up tungkol sa pagkamatay ni Julie Vega, at magugulat ka sa sangkatutak na mga tao na dumalaw sa burol at nakipaglibing.

At siyempre, nandiyan din si Rico Yan na sa gitna ng kasikatan nga niya siya binawian ng buhay.

Nakalibing si Rico Yan sa Manila Memorial Park, Sucat, Parañaque, at nagmimistula ngang fans day ang araw na ito, dahil dumadagsa talaga ang mga tagahanga niya sa kanya. Malamang na isa si Claudine Barretto sa mga mangunguna sa pagpunta sa puntod niya ngayon.

March 29, 2002 sa edad na 27, namatay si Rico sa Puerto Princesa, Palawan. At ang naging sanhi umano ng pagkamatay niya ay acute hemorrhagic pancreatitis.

Anyway, hindi naman kataka-taka na hanggang ngayon ay maganda ang pagtingin sa kanila ng mga fan, dahil hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay ay puro positibo ang naaalala sa kanila ng mga ito. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *