Pumalag sa ‘sexiest’: Maine ‘tinarantado’ ng kaibigan

Nag-blog si Maine Mendoza, pero ang totoo, tila ayaw niyang maging public ang blog niya– not for now.

The post Pumalag sa ‘sexiest’: Maine ‘tinarantado’ ng kaibigan first appeared on Abante.

pumalag sa sexiest maine tinarantado ng kaibigan - Pumalag sa ‘sexiest’: Maine ‘tinarantado’ ng kaibigan
Maine Mendoza 2 - Pumalag sa ‘sexiest’: Maine ‘tinarantado’ ng kaibigan

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Pumalag sa ‘sexiest’: Maine ‘tinarantado’ ng kaibiganNag-blog si Maine Mendoza, pero ang totoo, tila ayaw niyang maging public ang blog niya– not for now.

Naiintindihan namin si Maine kung bakit ayaw niya. Para itong space siguro sa buhay niya na gusto niya muna, malaya siyang makapapag-share ng kahit ano na hindi parang public property, yung isang aspetong yun.

Pero hindi nangyari at pakiramdam nga raw niya, para siyang na-betray ng isang kaibigan nang mag-leak din ang blog niya.

Bago pa pasukin ang showbiz ay blogger/vlogger na si Maine. Pero ngayon, parang hindi na raw niya alam simulan.

Nakiusap si Maine na ‘wag na siyang isama sa list ng Philippine’s sexiest. Nagugulat daw siya na kapag nago-open siya ng account, naka-tag siya. Hindi makita ni Maine bakit siya nasa list at hindi raw niya deserve ito.

Bukod sa diretsahan niyang sinabi na wala siyang planong tahakin ang sexy route.

Sey ni Maine, “I just want to know why the hell did you keep on voting for me as the Philippine Sexiest this 2020??? I was like, WHAT THE ACTUAL F–? How did we get these? I mean, let’s be real here: aside from the fact that I don’t deserve a spot on the list, I am not going the pa-sexy route– like ever! Sure, I post beach photos from time to time but that does not mean I want to be recognized as a sexy star one day. Like, it’s super cringeworthy, I don’t see myself being proud of a title like that.”

At diretsahan na niyang sinabi sa lahat ng bumuboto sa kanya na, “I wanted you all to quit casting votes but I didn’t know how.”

Posibleng may magsabi na ang arte o napakaarte naman ni Maine o napaka-ungrateful nito, hindi na lamang magpasalamat.

Kaya inunahan na rin niya sa pagsasabing, “Don’t get me wrong, I appreciate the time and effort spend on voting day and night but (excuse my language) that shit ain’t for me.”

Sey pa niya, “I’d be happy to bag the Philippines Cutest 2020 title if ever, though. But not this, please. I really hope this is the last time. Haha. Sorry I just had to.”

***

Ivana tutulong sa pamilya ni Cadena

Hindi ang usual na Ivana Alawi ang nakita namin sa latest vlog niya sa YouTube niya na meron ng 8.6 million subscribers. Nag-bus wash ito, yes, bus at hindi car.

Tinake ni Ivana ang huling challenge sa kanya ng namayapang sikat na vlogger na si Lloyd Cadena na mag-bus wash ang sexy actress.

Ginawa nga ito nin Ivana at talagang nilinis ang buong bus, huh! At ang ads daw na papasok sa post niyang yun ay ibibigay niya sa naiwan ni Lloyd.

Malungkot si Ivana sa opening pa lang niya, “Nang malaman ko na totoo siya (namatay) sobrang nalungkot ako. Pumunta ko sa mga videos niya, pinanood ko yung huling video niya at do’n sa video niya na car wash, sobrang na-touched ang puso ko.

“Binanggit niya ko, tapos sabi niya, hinahamon kita Ivana Alawi, maglinis ka ng bus, pabilisan tayong maglinis ng bus!

“Para sa akin, hinamon niya ko, huling hamon, sabi ko, kailangan ko siyang gawin. Para kahit paano, may magawa ako in my own small way. Nag-decide ako na gawin itong bus wash para kay Lloyd.”

At ngayon lang daw siya hihiling na kahit hindi na mag-like o mag-subscribe ang manonood, huwag lang daw i-skip ang ads.

“Kasi, lahat ng kikitain ng video na ‘to ay maiiwan sa pamilya ni Lloyd para kahit papaano, ‘di ba, makatulong tayo sa kanila.”

At 11 am ng Lunes, naka-2.4M na view na ang vlog na `yon.

***

Dingdong, Jennylyn serye tinapos na

Dalawang araw na lang at tapos na ang taping nang nag-resume na primetime series ng GMA Network na “Descendants of the Sun” sa Tanay, Rizal.

Nag-rest day lang daw kahapon, then, 2 days na lang at balik na sa kanya-kanyang pamilya ang cast. Although, may ilang nauna nang na-pack-up dahil nakunan na lahat ng scene.

Balita rin namin, nakunan na rin ang finale scene nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado. Naging smooth naman daw ang lock in taping at kahit ang weather, kahit na may pag-ulan, kulog at kidlat, nakapagtuloy-tuloy naman sila kahit na may time na naaapektuhan din ang taping at audio.

Ibig sabihin, sigurado na ngang mapapanood sa GMA ang pagpapatuloy ng DOTS at sure na rin na magtatapos ito ngayong last part ng 2020.

The post Pumalag sa ‘sexiest’: Maine ‘tinarantado’ ng kaibigan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *