Priscilla Almeda balik showbiz

Nagbalik after 15 years ang controversial ‘90s bold star na si Priscilla Almeda.

priscilla almeda balik showbiz - Priscilla Almeda balik showbiz
priscilla - Priscilla Almeda balik showbiz

Nagbalik after 15 years ang controversial ‘90s bold star na si Priscilla Almeda.

Nakilala si Priscilla ­bilang Abby Viduya noong 1992 sa pelikulang Guwapings: The First Adventure kunsaan ­co-star siya nina Mark Anthony ­Fernandez, Eric Frusctuoso at Jomari Yllana.

Noon pa man ay kontrobersyal na si Abby dahil sa tunay na edad nito na pilit niyang tinatago. Kine-claim niya noon na 14 years old lang siya, pero ang totoo ay 16 years old na siya noong mga panahon na iyon.

Noong mauso ang TF or Titillating Films, isa si Abby na kinontrata ng Seiko Films at pinalitan ang name niya ni ­Robbie Tan to Priscilla Almeda.

Nagbida si Priscilla sa mga TF Films na ‘Sariwa’, ‘Tukso ­Layuan Mo Ako’, ‘Sabik Sa Halik’, ‘Machete 2’, ‘­Halimuyak Ng Babae’, ‘Syota Ng Bayan’, ­‘Huwag Kang Kikibo… Siya Ang Hihipo’, ‘Exploitation’ at ‘Sutla’ kunsaan nagkaroon siya ng frontal nudity.

Nakakuha naman ng acting nomination si Priscilla sa pelikulang ‘Batang Westside’ ni Lav Diaz. Ito na rin ang naging last movie ni Priscilla bago nito lisanin ang showbiz.

Natutuwa lang daw si Priscilla dahil marami pa rin daw nakakaki­lala sa kanya ­dahil napapanood ang mga sexy movies niya on YouTube.

Ngayon ay may apat na anak na si ­Priscilla na ang mga edad ay 17, 8 and 4. Sa ­Alberta, Canada siya nag-settle down kasama ang kanyang pamilya.

Gusto ngang magbalik ni Priscilla sa showbiz. Hiwalay na raw sila ng kanyang mister, pero co-parents sila sa kanilang mga anak.

Inamin ni Priscilla na nag-gain din siya ng ­sobra-sobrang weight kaya iniwasan niya ang umuwi muna ng ­Pilipinas. Dahil 15 years siyang nawala sa ­Pilipinas, nagulat daw siya sa malaking pagbabago ng lahat.

Ang mga naka-partner ni Priscilla noong Seiko Film days niya tulad nila Lean­dro Baldemor, Gardo Versoza, Anton Bernardo at Jestoni Alarcon ay father roles na ang ginagampanan sa TV. Gayun din ang mga Seiko actresses na sina Rita Avila, Jennifer Sevilla at Rosanna Roces ay pang-nanay na ang mga roles.

Baka raw sa ­January 2020 ay makasama si Priscilla sa isang malaking teleserye. Huling napanood sa isang TV drama si Priscilla ay Sa Puso Ko, Iingatan Ka (2001) at Subic Bay (2000). (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *