‘Prima Donnas’ labanan ng mga kontrabida: Aiko, Katrina, Chanda, Glaiza kabugan sa aktingan

Unang linggo pa lang ng “Prima Donnas”, humamig na agad ito nang papuri dahil sa kahusayan ng mga artista, sa pangunguna siyempre nina Aiko Melendez, Katrina Halili, Chanda Romero at Glaiza de Castro.

prima donnas labanan ng mga kontrabida aiko katrina chanda glaiza kabugan sa aktingan - ‘Prima Donnas’ labanan ng mga kontrabida: Aiko, Katrina, Chanda, Glaiza kabugan sa aktingan
ABANTE Primadonas - ‘Prima Donnas’ labanan ng mga kontrabida: Aiko, Katrina, Chanda, Glaiza kabugan sa aktingan

Ni: Dondon Sermino

Unang linggo pa lang ng “Prima Donnas”, humamig na agad ito nang papuri dahil sa kahusayan ng mga artista, sa pangunguna siyempre nina Aiko Melendez, Katrina Halili, Chanda Romero at Glaiza de Castro.

Wala nga raw itulak kabigin sa husay ng mga artistang ito. Kung baguhang artista ka, baka mahiya kang sumabay, o baka hindi ka makasabay sa kanila, lalo na kung hindi mo ninanamnam­ ang karakter mo.

Isa pang kapansin-pansin din ang kagandahan ng ­tatlong bida, sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo. At siyempre­, ang kahusayan na rin nila bilang mga batang aktres.

Dito nga malalaman kung sino sa kanilang tatlo ang susunod sa yapak nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Bianca Umali, Jennylyn Mercado, at marami­ ­pang iba, na mga bibidahin sa Kapuso teleserye.­

Pero siyempre, isa sa mga ­inaabangan ng mga manonood, lalo na ‘yung mga nasa abroad, ay ang kabuuan ng ­kuwento nito. Sabi nga nila, unang linggo pa lang ay naubusan na sila ng mga luha, dahil sa sobrang drama ng “Prima Donnas­” na dinidirek ni Gina Alajar.

Heto nga ang obserbasyon ng mga fan:
Dignagonzels, “Maubosan ako luha sa mga cutie na e2.”
Amalia Marmayan Alisood, “Sana tuloy-tuloy ang pag-upload ng

full episode nato. At maaga pa mapapanood. W/ng from: Saudi.­”
Hey its Goldie, “Kahit anong role ibigay kay Katrina ang galing­ pa din nya napo-portray nya ng maayos.”

Red Dapitan, “Yung role ng nanay ni Katrina Halili dito, may sakit uli sa kidney. Sa Karelasyon (ep ng GabCar) siya din nanay tapos may sakit din sa kidney kinailangan operahan. Haha. ­Anyway, medyo iffy ako na pinagpipilitan niyang anak yung tatlo ni Lillian, eh hindi naman technically. Alam ko di naman sila masyadong­ informed sa surrogacy and syempre dala na din siguro sa bond ni Lillian sa mga bata dahil dinala niya yun sa sinapupunan niya, ay, bilang siya din naman talaga ang magiging godmother, good na din siguro. Hahaha la lang rant lang. Ang galing talaga ni Katrina Halili wooh.”

MelodiA Peñaranda, “Nakakaiyak ang episode na ito, ­galing ng mga batang gumanap. Sana pag lumaki na sila…mas lalo pa gumaling­ yung karakter nila DONALYN, ­DONABELLE, DONAMARIE.”

shan ros, “The best talaga si Katrina Halili mapa-kontrabida o bida magaling talaga siya sana man lang dito lalabas pa rin ang pagiging mataray at palaban nya sa palabas na ito.”

mark Angelou Sendo, “Can’t wait sa catfight scene nina Miss Aiko with Katrina!”

Musa Fairy Of Music, “Wow, the best drama! Hope si Glaiza, she we stay still in this drama until the end. Galing ni Madam Aiko and all the cast good job and congrats everyone.”

Gerald Barillo, “I notice here all of the cast are villain. Glaiza – Pirena (Encantadia)’ Aiko – Emilia (Wildflower) Chanda – (­Contessa) Wendell – (Wildflower) Katrina (maraming teleserye na kontrabida siya).”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *