Preso posibleng mapalaya dahil kay Yasmien

Nabigyan ng pag-asa ni Yasmien Kurdi na magkaroon ng pagkakataong mapalaya ang isang preso dahil sa kanyang kabutihan. Umani ng papuri ang Kapuso star sa naging gesture niya na tulungan ang isang preso na mabuksan muli ang kaso nito at posibleng mapalaya.

preso posibleng mapalaya dahil kay yasmien - Preso posibleng mapalaya dahil kay Yasmien
yasmien 4 - Preso posibleng mapalaya dahil kay Yasmien

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 28 336x224 - Preso posibleng mapalaya dahil kay YasmienNabigyan ng pag-asa ni Yasmien Kurdi na magkaroon ng pagkakataong mapalaya ang isang preso dahil sa kanyang kabutihan. Umani ng papuri ang Kapuso star sa naging gesture niya na tulungan ang isang preso na mabuksan muli ang kaso nito at posibleng mapalaya.

Makikita sa Instagram niya ang photo na kasama ang dalawang preso sa magkakahiwalay na larawan at isang painting. Sa caption, sinulat ni Yasmien na sa BJMP sila nag-taping ng kanilang episode para sa “Beautiful Justice”.

At sa kuwento ni Yasmien, namangha siya sa mga painting na naka-display sa kulungan na gawa ng mga inmate. At napag-alaman niyang kapag may bumili ng painting sa mga naka-display ay magkakaroon ng tsansa ang isang preso na mabuksan ang kanyang kaso at mapalaya mula sa bayad sa naturang artwork.

Binanggit ni Yasmien ang pangalan ng presong si Maricris Estrada na siyang may tsansa na dingging muli ang kaso nito at may potensyal na mapalabas ng kulungan.

Naging emosyonal si Yasmien dahil sa naiisip niyang makakasama na ng babae ang kanyang buong pamilya kapag nakalaya ito. Pinuri ni Yasmien si Jason na siyang may obra ng painting at ang warden na nag-asikaso sa kanilang pananatili sa lugar.

Lea Salonga nabuwisit sa pasaway na fan

Hindi isasaalang-alang ni Lea Salonga ang flow ng kanyang performance para lang sawayin ang kanyang audience sa ipinapatupad na theater rule. Isang follower niya ang nag-comment sa post ni Lea tungkol sa disappointment niya sa ilang mga manonood ng musical production nilang “Sweeney Todd” na gumagamit ng cellphone sa gitna ng kanilang pagtatanghal.

Sey pa ni Lea sa kanyang tweet, “I hope the earth opens up and swallow you whole, you entitled, moronic c***s.”

Sa comment ng kanyang follower ay nagpaalala kay Lea ng pagputol nito sa kanyang performance sa Palm Spring para lang patigilin ang isang babae na kumukuha ng photo sa kanyang spot number.

Patuloy pa ng follower ni Lea na may tweet name na @pianomanron, bago pa ang palabas na magalang naman sinabi ng Pinay Tony awardee sa kanyang manonood na puwedeng kunan ang show pero walang flash.

Hindi yata narinig o naintindihan ng isang audience kaya nu’ng mag-flash ito sa pagkuha ng photo, itinigil ni Lea ang kanyang performance at saka sinabing “No”.

Pagdating sa pagiging professionalism at paninindigan sa kanyang trabaho lalo na sa paniniwala nito, numero uno si Lea.

Ilang linggo lang ang nakakaraan, nag-post si Lea ng kanyang advice sa manonood ng musical production play niyang “Sweeney Todd” na iwasang magdala ng bata sa kanilang palabas dahil hindi child friendly ang tema nito.

Zanjoe lunod sa pag-ibig kay Siargao girl

Masaya pero tahimik ang love life ni Zanjoe Marudo sa kanyang surfer-international model girlfriend na si Josie Prendergast. Hindi madalas mag-post si Zanjoe ng larawan nilang dalawa ni Josie pero malalaman at mararamdaman ng mga fan, supporter ng aktor ang buhay pag-ibig niya dahil sa mga larawang pinapaskil niya sa kanyang Instagram.

Muli ay nalantad ang effort ni Zanjoe na makita at makasama si Josie sa posting niya ng kanyang photo sa dagat ng Siargao habang masayang nakikipaglaro sa mga bata. Sa Siargao naka-base si Josie at doon pumupunta si Zanjoe kung wala siyang trabaho para maka-bonding ang kanyang kasintahan.

Hindi na nagtataka ang mga supporter, fan ni Zanjoe kung mababalitang bumili na ng property sa Siargao ang kanilang idol para selyuhan ang pag-ibig niya sa surfer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *