Pops sinisi sa hiwalayan nina Derek, Andrea

Umamin na si Derek Ramsay na break na nga sila ni Andrea Torres. Ang pagkatamis-tamis at tila “perfect” na relasyon nila, with both of their families being happy with their relationship, heto’t sa hiwalayan din pala mauuwi.

The post Pops sinisi sa hiwalayan nina Derek, Andrea first appeared on Abante.

pops sinisi sa hiwalayan nina derek andrea - Pops sinisi sa hiwalayan nina Derek, Andrea
abanate pops - Pops sinisi sa hiwalayan nina Derek, Andrea

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 300x180 - Pops sinisi sa hiwalayan nina Derek, AndreaUmamin na si Derek Ramsay na break na nga sila ni Andrea Torres. Ang pagkatamis-tamis at tila “perfect” na relasyon nila, with both of their families being happy with their relationship, heto’t sa hiwalayan din pala mauuwi.

May nagtatanong kung bakit tahimik lang si Andrea sa isyu ng break-up. Sa kanilang dalawa, si Derek ang sumasagot lalo na sa mga basher at netizen.

Pero napapaisip ang ilang netizens, ano raw kaya ang ibig sabihin ni Derek sa “mahal ko si ada kaya di ako magsasalita…” parang implying daw na na kay Andrea ba ang isyu o naging problema?

May isa pang anggulo na baka raw “promo” lang dahil may bagong serye si Andrea sa GMA-7, ang Legal Wives. Kalakaran na rin kasi talaga sa industriya na pinapalabas na break para sa promo. Pero naman, ‘di na naman siguro mga bagets sina Andrea at Derek para pumayag pa sa mga ganitong publicity.

Bukod dito, ‘di rin naman solo lang ni Andrea ang pagiging leading lady ni Dennis Trillo sa Legal Wives para gawin pa niya yun.

Ang guest panel o judge ngayon ng The Clash ng GMA-7 na si Pops Fernandez talaga ang nadadawit sa hiwalayang Derek Ramsay at Andrea Torres.

At totoo nga bang dahil lang sa isang endorsement na nagkasama sila at parehong guest nagsimula ang pagkaka-link sa kanila?

Ang pangit ng idinidikit na imahe ng netizens kay Pops. Lumalabas tuloy na third party ito o naninira ng relasyon kahit na wala namang kumpirmasyon at wala namang matibay na ebidensiya ang mga netizens sa pag-uugnay rito.

Pati ang pagbati ni Pops sa ina ni Derek noong birthday nito ay nabigyan ng malisya. Tinawag na “mommy” ni Pops ang nanay ni Derek at ibinalik kay Pops ng netizens yun.

Ilan sa comments sa simpleng ‘Happy Birthday Mommy’ ni Pops, “mommy mo na cya ang lakas mo.”

“Hello mommy I’m the new popsicle of the month or maybe a week joke.”

Sumagot pa rin si Derek at humirit nang, “lahat na lang bigyan ng issue.”

Ivana namudmod ng tulong sa Mindoro

Hindi tumitigil ang sexy actress na si Ivana Alawi sa pamamahagi ng relief goods. At personal talaga siyang pumupunta sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Kahapon lang, nasa Minsalay, Mindoro ito at doon naman personal pa rin na namahagi ng mga relief goods niya.

Eh, ilang araw lang ang nakararaan, nagpunta ito sa Isabela at Cagayan at pinagkaguluhan doon nang magdala ng sangkaterbang relief niya mula sa kinitang ads sa YouTube niya.

After raw ng Minsalay, Mindoro, meron pa itong mga susunod na lugar na pupuntahan. Pero, ayaw pang sabihin kung saan.

Pinadalhan kami ng picture ni Paolo Luciano, ang handler ni Ivana sa PPL Entertainment. Obviously, na-touch ito sa ginawang gesture ng alaga niya. Kuwento kasi ni Paolo, habang naghihintay raw sila sa sasakyan nila pabalik ng Manila, may nag-abot ng isang bilaong puto kay Ivana.

Tuwang-tuwa si Ivana at sa halip na solohin daw at iuwi na lang ang puto, ang ginawa nito, ishinare pa rin sa mga tao roon ang natanggap na pagkain.

The post Pops sinisi sa hiwalayan nina Derek, Andrea first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *