Pops napagkamalang K-pop star

Daming naaliw, na-shock sa bagong look ni Pops Fernandez ngayon. Hindi nga nila agad-agad nakilala si Pops.

The post Pops napagkamalang K-pop star first appeared on Abante.

pops napagkamalang k pop star - Pops napagkamalang K-pop star
pops 1 - Pops napagkamalang K-pop star

dondon sermino 15 - Pops napagkamalang K-pop starDaming naaliw, na-shock sa bagong look ni Pops Fernandez ngayon. Hindi nga nila agad-agad nakilala si Pops.

Eh kasi naman, biglang nagbago ang kulay ng kanyang buhok. Na mula sa color black, bigla itong naging parang white at yellow (blonde hair), ha!

Sa unang tingin nga ay para siyang K-pop star. At bagay na bagay nga raw ‘yon sa kanya. Parang bumalik sa pagkabata si Pops.

Anyway, yan nga ang nami-miss ng mga fan kay Pops. Di ba nga, kilala kasi si Pops noon sa pagiging maimbento, i-reinvent ang sarili, o hindi natatakot sumubok na ibahin ang itsura niya. Pareho nga sila ni Regine Velasquez na may pagka-rebelde pagdating sa pagpapabago ng itsura nila. Hindi nga sila ‘yung tipong sumusunod lang sa kung ano ang gusto ng nakararami.

Kaya ang mga fan, bet na bet nila na parang nabuhay na naman si Pops ngayon. At `yon ay dahil sa participation niya sa The Clash ng GMA 7.

Stunning! Gorgeous! Beautiful! Ilan lang ‘yan sa mga mensahe ng mga fan sa kanya.

oh_carmen; “You look like a K-pop artist.”

genevacruzofficial: “Fresh and fabulous!”

tet06: “So beautiful!!!! I enjoy seeing you in The Clash. Hope you become a regular.”

Pero siyempre, ang positive attitude nga ni Pops ang mas napapansin, kaya lumalabas sa aura niya!

***

Liza ginamit sa pang-okray sa DDS

Agag-agad na humingi ng tulong si Ogie Diaz, manager ni Liza Soberano, dahil sa isang Facebook account na nakapangalan kay Liza, pero panay ang banat sa mga DDS.

Palaban nga ang naturang Liza Soberano FB account dahil talagang tinawag niyang mga bayaran ang mga DDS.

Tila nagdeklara nga ng giyera ang naturang Liza Soberano FB account, kaya bago pa man tuluyang mapahamak si Liza, hiniling na ni Ogie na i-report ito.

Heto nga ang isa sa mga post ng naturang poser ni Liza:

“To all paid trolls, DSS warriors, DDS robots, sorry bu I will always speak for what is right. Boycott all my indorsements? Hahahahaha! Go ahead. You’re not welcome to by or acquire all these products. You cant keep me silent. My dear supporters, please share this post.”

Well, may mga mali nga sa post na ito, kaya talagang mas naniwala ang mga fan ni Liza na hindi ito ang kanilang idolo.

The post Pops napagkamalang K-pop star first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *