Pops-Martin US concert live sa Abante

As you read this, I’m back in Los Angeles, California to cover the kick-off ng “Two-gether Again” US concert tour ng ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

pops martin us concert live sa abante - Pops-Martin US concert live sa Abante
abante Pops Martin - Pops-Martin US concert live sa Abante

abante anything goes jun lalin 336x224 - Pops-Martin US concert live sa AbanteAs you read this, I’m back in Los Angeles, California to cover the kick-off ng “Two-gether Again” US concert tour ng ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Nang makatsikahan ko si Pops sa Viber after ng “ASAP Natin ‘To” in Bay Area noong Sunday (Saturday sa California), biniro ko siya na parang hindi complete ang showbiz career ko kung hindi ko maiko-cover ang muling pagsasama nila ni Martin sa isang concert tour.

“Wow naman, ang galing, panalo ka! At least you can cover for your Abante online show,” sey ni Pops na sanay na sanay na sa tuwing magkasama kami ay nila-live ko siya sa Abante News Online.

“That’s live for Abante? Let me get ready lang!” ang standard dialogue na sa akin ng original Concert Queen sa tuwing nakikita niyang nire-ready ko na ang ca-mera ko.

Ipinaalala ko nga kay Pops na sa August 21 na ang first anniversary ng “Anything Goes” show ko sa Abante News Online kung saan siya ang una kong live guest at sobra nga siyang humanga sa office/studio ng Abante, huh!
Anyway, on Sunday morning hanggang after lunch, abangan sa Abante News Online ang live coverage ko ng before, during and after concert nila ni Martin sa Palace Theater sa downtown L.A. dahil para na rin kayong nandoroon mismo sa gagawin kong cove-rage!

Noong Sunday naman, sumunod ako kay Annabelle Rama at nag-join ako sa kanila ni Eddie Gutierrez sa bonding time nila sa panganay na anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, si Zion.

Elvis Presley ginamit ni A­nnabelle sa p­anloloko kay Zion

Sa Alabang Town Center ang bonding nina Bisaya at Tito Eddie kay Zion.
Pagdating ko roon, very proud na ipinakita sa akin ni Zion ang toys niya na binili ng kanyang lola.

“Are you happy?” tanong ko kay Zion.

“Super!” at napa-wow ako sa sagot ng bata.

Happy raw si Zion dahil binili siya ng toys ng kanyang lola na early treat sa kanya dahil kahapon nga ay nag-start na siya ng kanyang schooling.
Nakaka-happy ang kulitan ng mag-lola.

Napunta kasi kay Elvis Presley (SLN) ang pag-uusap nila. Biniro ni Bisaya si Zion na tatay niya ang international singer.

“Elvis Presley is your father?” takang-takang tanong ni Zion sa kanyang lola.

“Yes!” paninindigan ni Bisaya sa kanyang apo.

Ayaw maniwala ni Zion, kaya tinanong niya ang kanyang Baba (Lolo Eddie).
“No” naman ang sagot ni Tito Eddie, kaya pumunta naman si Zion sa akin para ako naman ang usisahin at “No” rin ang sagot ko, kaya binalikan niya si Bisaya.

“Lola, you’re joking. Elvis Presley is not your father!” sabi ni Zion sa kanyang lola at tawang-tawa lang si Bisaya.

Maya-maya, nagpaalam na si Zion at uuwi na raw.

“Excited kasi siyang laruin ang toys niya,” sey na lang ng lola.

Nang wala na si Zion, kuwento na naman si Bisaya tungkol sa apo.

“Sobrang love talaga ni Zion ang lolo niya. Nang pababa kasi si Eduardo sa van, nauna siya. Hinawakan niya ang kamay ng lolo niya. Inalalayan niya, as if naman kaya niya (ang bigat at laki) ni Eduardo. Nakakatuwa ang batang ‘yan!” kuwento pa ni Bisaya.

Richard, Sarah sobrang tutok sa mga anak

After namin sa mall, nagpunta naman kami sa bahay nina Richard at Sarah.
“Gusto ni Chard makita ka bago ka umalis papuntang LA,” pangungulit ni Bisaya, kaya join na ako sa kanila.

Sina Richard at Zion ang dinatnan namin na kumakain. Tinuturuan ni Richard na kumain mag-isa si Zion dahil sa school daw ay walang yaya na magpapakain sa anak.

Kinaumagahan na nga kasi ang first day of school ng pa-nganay na anak at ihahatid daw nila ito ni Sarah.

Actually, um-attend din daw sila sa orientation sa school ni Zion last week.

Basta sa anak, tutok talaga sila ni Sarah. Mabuti na nga lang daw ay hapon pa ang workshop nila kahapon ni Bea Alonzo at ng ibang cast members ng new teleserye nila sa ABS-CBN, kaya makakapunta pa sila sa school ni Zion.

Siyempre, excited ang bata. Hindi nga lang siya excited na bukod sa teleseye ay may pelikula ring sisimulan ang kanyang “Dada” dahil magiging busy na naman si Richard.

“He’s working again,” sabi ni Zion, pero naipaliwanag na naman sa kanya both nina Richard at Sarah na they need to work para sa future nina Zion at Kai.

Si Sarah nga pala ay nasa Viva Con noong Sunday nang dumalaw ako sa bahay nila, pero bago kami umalis, inabutan pa niya kami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *