Pops, Martin sa Balesin magpa-‘Pasko’

Naku, Dondon (my dear editor), Noche Buena na mamaya, I’m sure, as always, kasama mo ang pamilya mo sa bahay n’yo, pero ang Concert Queen na si Pops Fernandez, ine-expect ng mga fan na like last year ay makakasama ang ex-husband na si Martin Nievera.

The post Pops, Martin sa Balesin magpa-‘Pasko’ first appeared on Abante.

pops martin sa balesin magpa pasko - Pops, Martin sa Balesin magpa-‘Pasko’
abante pops 1 - Pops, Martin sa Balesin magpa-‘Pasko’

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 1 1 300x180 - Pops, Martin sa Balesin magpa-‘Pasko’Naku, Dondon (my dear editor), Noche Buena na mamaya, I’m sure, as always, kasama mo ang pamilya mo sa bahay n’yo, pero ang Concert Queen na si Pops Fernandez, ine-expect ng mga fan na like last year ay makakasama ang ex-husband na si Martin Nievera.

Last year kasi ay may concert tour sila sa Amerika at inabot sila ng Christmas eve sa Las Vegas, Nevada, kaya being a modern family at friends naman sila ng Concert King, sa bahay ni Katrina Ojeda na nanay ng bunsong anak ni Martin na si Santino sila magkakasamang sinalubong ang Christmas.

Merry nga ang Christmas nila dahil nandoon din ang mga anak nilang sina Robin at Ram Nievera. Pero sabi ni Pops, mamayang gabi raw ay nasa bahay lang siya kasama ang kanyang pamilya.

“Christmas day na kami magkakasama ni Martin, plus Santino. We’re all going to Balesin Island. Doon na kami hanggang New Year. Gusto kasi nina Robin and Ram na hanggang New Year kami, so more than a week kaming magkakasama doon.

“Yes, with Santino. So masaya ang Christmas namin dahil marami kami!” sey ni Pops.

Doon na rin daw sila sama-samang manonood on Saturday ng second episode ng “eXes & whYS with Pops and Martin” na new musical/talk show nila sa Colours channel ng CignalTV (na nag-pilot na noong Saturday, 9:00PM).

In fairness sa new cable TV show nina Pops at Martin, positive ang feedback no’n, kaya naman mas marami pa ang tututok sa kanila sa Sabado night!

‘Yung mga walang subscription nga sa CableTV, nag-download na ng Cignal Play sa Android at iOS, huh!

Anyway, on Saturday, si Matteo Guidicelli ang guest nila at marami siyang mga bagay na ikinuwento sa married life nila ng misis na si Sarah Geronimo, kaya abangan ‘yon!

Happy nga pala both Pops and Martin dahil sa magandang reviews sa “eXes & whYS with Pops and Martin”.

Ang bongga!

Sylvia gumanti, pinaglaruan si Jinggoy

Ay, Dondon, kung hindi lang mape-preempt ang ending ng “Coming Home” Metro Manila Film Festival 2020 official movie entry nina former Senator Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez, ang sarap sanang isulat kung anong eksena ‘yung na-good time ng aktres ang actor/politician, ‘noh?!

Kuwento kasi ni Sylvia, sa tuwing may dramatic scene siya, gino-good time siya ni Jinggoy.

‘Yung eksena nga raw na very serious kung saan niyakap niya ang picture frame ng anak na si Jake Ejercito, dramang-drama siya at behind the camera raw ay panay ang tawa ni Jinggoy at nagsasayaw pa.

Ayaw raw talagang tumigil ni Jinggoy sa panggo-good time, kaya natawa raw siya at na-take two pa.

Pati sa ibang dramatic scenes daw na hindi kasama si Jinggoy ay gino-good time siya ng kanyang leading man.

“Kaya sa isang eksena na siya naman ‘yung nagda-drama, kinausap ko si Direk Adolf (Alix, Jr.) na kapag tapos na niyang kunan lahat ng anggulong kailangan niya, huwag siyang sisigaw ng cut at ang sasabihin niya ay focus para ‘yon na ang signal ko na puwede kong i-good time si Jinggoy.

“Sabi ko, kailangan ko siyang gantihan. Isang beses lang. One time, big time! So, ayun na nga, kinunan na ng iba’t ibang anggulo si Jinggoy, nang matapos na si Direk Adolf, sumigaw na siya ng focus, kaya ginulat ko si Jinggoy.

“Wala siyang kaalam-alam na nag-usap kami ni Direk Adolf, kaya nag-react siya na nagda-drama pa siya, bakit ko siya ginulat?! Tawa kami nang tawa dahil ako naman ang nakapang-good time sa kanya. Nakaganti ako. Hahaha.

“Alam n’yo naman si Jinggoy, maloko. Palagi akong niloloko, kaya nakaganti ako. Hahaha!” kuwento ni Sylvia.

Naku, saka ko na ikukuwento kung ano’ng eksena ‘yon at kung hindi na kayo makapaghintay, abangan n’yo sa “Coming Home” ‘yung last scene na magkasama sina Jinggoy at Sylvia at malalaman n’yo kung gaano katindi ang pagda-drama ng una at imagine-in n’yo na lang kung paano siyang ginulat ng aktres, huh! Hahaha!

Pero siyempre, buy na muna kayo ng online tickets sa Upstream.ph/MMFF, ‘noh?!

Babu!!!

The post Pops, Martin sa Balesin magpa-‘Pasko’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *