Pops, Martin matinee show sa LV ‘di pinayagan

Alam mo, Dondon, sa rami ng Pinoy shows ngayon sa Amerika, kailangan talaga well-promoted at maganda ang show mo para dayuhin ‘yon.

pops martin matinee show sa lv di pinayagan - Pops, Martin matinee show sa LV ‘di pinayagan
martin 5 - Pops, Martin matinee show sa LV ‘di pinayagan

Jun Lalin Anything Goes 3 336x224 - Pops, Martin matinee show sa LV ‘di pinayaganAlam mo, Dondon, sa rami ng Pinoy shows ngayon sa Amerika, kailangan talaga well-promoted at maganda ang show mo para dayuhin ‘yon.

Kung concert series naman­ ang show niyo, dapat sa simula pa lang ay bongga na para pag-usapan ‘yon dahil iba pa rin naman ‘yung word of mouth dahil mas nakakatulong ‘yon para mas maging matagumpay pa ang mga susunod na show niyo.

Like ‘yung “Two-gether Again” US ­concert tour nina Martin Nievera at Pops Fernandez, dahil ang bongga ng ­simula nila sa Los Angeles, California at ­talagang maganda ‘yon at walang ­kakupas-kupas nga ang tandem ng ex-couple, lahat ng mga sumunod­ ay mas bongga pa!

Nakausap ko nga kahapon ang promoter ng nasabing US concert tour, si ­Susan Lim, at ikinuwentong lahat ng mga nagawa na nilang shows ay ­successful.

‘Yung matinee raw na binaba­lak sana nila na ­idagdag sa show nila ngayon sa Las Vegas, ­Nevada, hindi nga lang umubra dahil sa permits.

Last minute kasi nilang naisipan ‘yon dahil sold out na ang tickets at napakarami pang gustong bumili,­ pero hirap din silang makakuha kaagad ng permits, kaya sa December na lang daw ang repeat, pati sa LA ay may repeat din sa second leg ng US concert tour nina Martin at Pops.

“Sana nandito ka pa sa Amerika kasi ‘yung M ­Hotel show, exciting. Bukod kay Robin, guest din ang bunso ni Pops, si Santino.

“Magaling mag-drums ang bata, kaya isinali ­namin sa show. Mag-drums siya sa Las Vegas show,” kuwento ni Susan.

Ang bongga!

Mga Pinoy sa US nag-iyakan sa tribute kay Rico J. Puno

Las Friday naman, nasa Las Vegas ang grupo nina Hajji Alejandro, Nonoy Zuniga at Marco Sison para sa final tour ng OPM Hitmakers.

Wala pa rin si Rey Valera dahil inoperahan nga sa intestine at nagpapalakas pa.

Sabi sa akin ni Anna Puno after ng show kahapon (15 hours behind ang Las Vegas sa atun, kaya almost 1:00PM na kahapon nang matapos ang show), puno raw ang venue.

Nag-iyakan na naman ang mga nanood sa tribute portion ng show kay Rico J. Puno.

“Nakaka-miss talaga si Kuya Rico. Ako, naiiyak din sa portion ng tribute sa kanya,” sabi ni Anna.

Ilang days nga lang ang group sa Las Vegas, kaya naman nakasama nila si Lani Misalucha na based doon.

Nag-bonding daw sila dahil palagi rin namang ipino-produce ni Anna ng shows si Lani.

“Masaya ang group namin. Masaya na nakasama rin namin si Lani at nag-bonding kami,” sey ni Anna na nilinaw na nag-bonding lang sila nito at hindi naman­ ito nag-guest sa show.

***

Komedyana sobrang user

Nakakaaliw ang pagiging kuripot ng male singer na ito.

Kung tutuusin ay malaki ang kinikita niya, pero tama naman na maging matipid lalo na at hindi naman forever ang kasikatan at pagkakaroon ng maraming projects.

Kapag nagsu-show abroad si singer, madalas na nag-e-extend siya para makapagbakasyon kahit paano.

Pero sa mga ganoong pagkakataon, ang expenses­, sarili mo na at hindi na sagot ng promoter o producer.

Pero wise nga si singer. Dahil ayaw ­niyang gumastos, madalas, nakikituloy na lang siya sa bahay­ ng mga Pinoy roon na nagiging ka-close niya.

Tipid nga naman dahil wala na siyang babayaran, free food at naipagda-drive pa siya sa mga gusto niyang­ pasyalan.

Pero ang maganda kay singer, kapag bumibisita naman sa bansa ang mga taong ‘yon, bumabawi ­naman siya at nakikipagkita siya sa mga ito.

Malayo siya sa isang comedienne na ang hilig magpa-entertain abroad at sobrang tsika raw, pero kapag tinatawagan na at nasa bansa ang mga taong nag-asikaso sa kanya abroad ay dedma na.

Well…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *