Pops, Martin lakas magpakilig

Noong Tuesday ang first taping day ng ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera para sa weekly musical/talk show na “eXes & whYs with Pops and Martin”.

The post Pops, Martin lakas magpakilig first appeared on Abante.

pops martin lakas magpakilig - Pops, Martin lakas magpakilig
Pops x Martin - Pops, Martin lakas magpakilig

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 1 300x180 - Pops, Martin lakas magpakiligNoong Tuesday ang first taping day ng ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera para sa weekly musical/talk show na “eXes & whYs with Pops and Martin”.

At marami nga ang kinilig at nag-aabang na sa show nilang ito.

Nilinaw ni Pops na para ito sa Colours channel ng Cignal Cable na sister company ng TV5. Bale hanggang bukas ang taping nila ni Martin at 4 straight days silang magkasama.

Happy si Pops sa cable TV project nilang ito ni Martin dahil ang panganay nilang anak na si Robin Nievera ang kanilang direktor.

Si Pops din ang line-producer ng nasabing musical/talk show under Showboxx Media na kompanya nila ng talent manager na si Jojie Dingcong (na kasosyo rin niya sa online food business na Bacolod Specials ATBP.) na sinimulan nila nitong nagka-COVID-19 pandemic.

Noong una, sinabi ni Pops na secret muna ang mga project nila ni Jojie sa Colours, pero, “So now I think we can announce na. Hahaha!”

Sabi pa ni Pops, “We’re line-producing 4 shows for Cignal, pero tatlo muna this year. So, before Christmas, mapapanood na ‘yung ‘eXes & whYs with Pops and Martin’, then ‘yung ‘Louie O Live with Robin Nievera’ is a musical show.

“Sina Kuya (tawag niya sa panganay na anak) at Louie Ocampo ‘yon. Third show namin is a workout show premiering on January, ‘yung ‘WFH (Workout From Home)’ sina Roxanne Barcelo, Sam Adjani at Hideo Muraoka ang hosts.

“’Yung 4thshow, hindi pa puwedeng i-announce dahil next year pa naman,” sey ni Pops.

Ang bongga lang ni Pops dahil kung kailan nagka-pandemic ay saka naman siya naging sobrang busy.

Marami pa kasing ibang businesses ang Concert Queen at busy rin siya sa kanyang mga panananim dahil isa rin siyang certified planTITA, ‘noh?!

***

Yeng takot magtrabaho

Sa tsikahan nila ni Chemist Pinky Tobiano for the second season ng “Grateful Tuesdays” online show nila, inamin ni Yeng Constantino na takot pa pala siyang magtrabaho ngayong may pandemic pa rin.

Kaya hindi natin napapanood si Yeng sa “ASAP Natin ‘To” at iba pang shows ng ABS-CBN ay dahil tumatanggi raw siya.

Pero itong “Grateful Tuesdays” daw ang hindi niya tinanggihan dahil isa itong charity show. Pati raw ‘yung pagdi-distribute nila ng relief goods ni Chemist Pinky ay nagagawa raw niya dahil feeling safe naman daw dahil may sanitation at health and safety protocols silang sinusunod.

Palagi rin silang nagko-COVID-19 anti-gen test para masiguradong negative sila sa virus.

Nang minsang nag-LBM nga raw siya na isa sa symptoms ng COVID-19, maaga raw siyang nagpunta sa studio nila para ma-anti-gen test agad at masiguradong hindi siya positive sa nasabing virus.

“Buti na lang po at LBM lang talaga at negative naman po sa COVID-19,” pahayag ni Yeng.

Napapanood tuwing Tuesday night sa Cornerstone Entertainment Facebook page at Kumu ang nasabing online show nina Yeng at Chemist Pinky kung saan ay more than 17,000 families na ang natulungan nila.

The post Pops, Martin lakas magpakilig first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *