Popoy, Basha bubuhayin sa ‘Last Chance’?

“She loved me at my worst, you had me at my best… but binalewala mo lang ang lahat… you chose to break my heart.”

popoy basha bubuhayin sa last chance - Popoy, Basha bubuhayin sa ‘Last Chance’?
a last chance bea john llyod - Popoy, Basha bubuhayin sa ‘Last Chance’?

“She loved me at my worst, you had me at my best… but binalewala mo lang ang lahat… you chose to break my heart.”

“Sana ako pa rin.. ako na lang…ako na lang ulit.”

Pamilyar ba ang mga linyahan na ‘yan?

Muli ngang nag-ingay sa social media ang mga nagmarkang linyahan sa classic movie nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na “One More Chance” at iyan nga ang ilan sa mga tumatak sa mga fan.

Bakit? Eh kasi mayroong pahapyaw na ibinahagi si Bea at ang shawarma brand na kanilang iniendorso kung saan makikitang magkasama silang dalawa ng dating ka-love team na si John Lloyd.

Na-miss nga talaga ng lahat ang tambalan nila lalo’t tumatak sa puso ang kanilang mga karakter bilang “Popoy” at “Basha” sa nabanggit na pelikula, kaya nga naglalabasan na naman sa social media ang mga dialogue nila sa pelikulang iyon dulot ng excitement.

Nakalagay sa caption ng litrato sa parehas na account (shawarma brand account at kay Bea): “Matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Pwede pa rin kayang magkaroon ng LAST CHANCE? #MasMasarapKungSaanKaMasaya.”

Posible nga kayang magkakaroon ulit ng pelikula ang dalawa na ang title ay “A Last Chance”?

Well, binase lang naman ang title na iyon sa caption na kanilang inilagay.

Pero hindi talaga maitatanggi ang pagkasabik ng mga fan na muling masilayan sa TV o big screen ang tambalang Bea at Lloydie.

Maski ang kanilang mga kapwa artista ay nasabik at ‘di napigilang ibahagi ang kanilang excitement gaya na nga lang ni Yam Concepcion na obvious talaga ang pagka-fan mode sa love team nina Bea and Lloydie na nag-comment pa sa IG entry ni Basha ng tatlong puso. Ganu’n din ang ilang mga Kapuso star na natuwa talaga sa photo na ito nina Popoy at Basha. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *