Pokwang pinagkakitaan sa online platform

Ang warning ni Pokwang sa social media tungkol sa isang nagpapanggap na siya sa Kumu app. Ang Kumu ay Pinoy community platform kung saan ay nakakapag-livestream, nakakapaglaro ng live games at participate sa iba’t ibang promotions ang mga may ganoong app.

The post Pokwang pinagkakitaan sa online platform first appeared on Abante.

pokwang pinagkakitaan sa online platform - Pokwang pinagkakitaan sa online platform
abante pokwang 2 - Pokwang pinagkakitaan sa online platform

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 300x180 - Pokwang pinagkakitaan sa online platformAng warning ni Pokwang sa social media tungkol sa isang nagpapanggap na siya sa Kumu app. Ang Kumu ay Pinoy community platform kung saan ay nakakapag-livestream, nakakapaglaro ng live games at participate sa iba’t ibang promotions ang mga may ganoong app.

Ang ABS-CBN ay ginagamit din ang Kumu at madalas na may mga pa-show ang mga artista doon like Ogie Alcasid.

Anyway, going back sa reklamo ni Pokwang, sinabi niyang wala siyang Kumu account at pinag-iingat niya ang mga fan dahil baka manghingi ng gems ang nagpapanggap na siya.
Ang gems kasi sa Kumu ay puwedeng maging cash, kaya nga warning ni Pokwang ay hindi siya ‘yon!

Ginamit din kasi ng gumawang ng “Pokwang” account sa Kumu ang picture ng comedienne.

Naku, ang dami talagang mga manloloko at favorite nga na gamitin si Pokwang dahil sa Facebook na lang, ang daming gumagamit sa kanya, pero ang iba naman ay sumuko na dahil binubuking sila ng comedienne!

Sa chat nga pala namin ni Pokwang kahapon sa pamamagitan ng Facebook Messenger ay sinabi niyang naipasara na rin daw ang fake Kumu account na gumagamit sa kanyang pangalan at picture.

“Naku, pina-shutdown ko na. Nag-ask ako ng help sa isang friend ko na may kakilala sa Kumu!” sabi ni Pokwang.

In fairness to Pokwang, palaban siya sa mga gumagamit sa kanyang pangalan, picture at videos at nag—e-effort siya na i-expose sila, huh!

Ang nakakaloka lang sa mga taong ‘yon na mahilig gumawa ng fake accounts sa iba’t ibang social media apps, ang hilig din nilang biktimahin si Pokwang, ‘noh?!

‘Kaloka!

Baby ni Assunta biglang humaba

Ang bilis din ng araw, Dondon (my dear editor). Aba, sa Monday, isang buwan na si Baby Fiore, ang anak nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma.

Kahapon, kinumusta ko si Assunta tungkol kay Baby Fiore at sobrang enjoy nga raw sila ni Jules.

Pati ang auntie ni Baby Fiore na si Alessandra de Rossi, hindi matiis na hindi makita ang pamangkin, kaya dumalaw na rin sa condominium unit nina Assunta at Jules.

Kuwento pa ni Assunta, nag-pedia visit na rin daw si Baby Fiore noong isang araw at ok na ok naman ang kanilang baby.

“Humaba na siya. From 2.6 kilograms ay 2.8 na siya,” sabi pa ni Assunta.

Anyway, dahil sa upper penthouse ng isang condominium unit sila naka-stay, nakakatakot pala noong sunud-sunod ang bagyo. Sobrang tindi ng hangin.

“Nahihirapan kaming matulog kapag may bagyo dahil sa tindi ng ingay ng hangin. Pero ok naman kami,” sabi ni Assunta.

Sabi ko kay Assunta, gusto rin naming dalawin ng manager niyang si Annabelle Rama si Baby Fiore kapag puwede na. Siyempre, para safe, mag-COVID 19 anti-gen swab test muna kami ni Bisaya, huh!

The post Pokwang pinagkakitaan sa online platform first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *