Pokwang luhaan sa Malaysia

Pokwang luhaan sa Malaysia

Pinaghandaan nang husto ni Pokwang ang pagdalo sa Malaysian Golden Global Awards, na kung saan ay kasali nga ang pelikula niyang Oda Sa Wala (Ode To Nothing).

The post Pokwang luhaan sa Malaysia appeared first on Abante News Online.

pokwang luhaan sa malaysia - Pokwang luhaan sa Malaysia
pokwang 2 - Pokwang luhaan sa Malaysia

Pinaghandaan nang husto ni Pokwang ang pagdalo sa Malaysian Golden Global Awards, na kung saan ay kasali nga ang pelikula niyang Oda Sa Wala (Ode To Nothing).

At siyempre, normal naman na kahit paano ay hilingin, asamin ni Pokwang na manalo siya. Pero ‘yun na nga, hindi siya, o sila pinalad. ­Meaning, luhaan, talunan, lotlot and friends, lotlot, loti, at kung ano-ano pang tawag sa salitang talo.

“I get lost in your eyes, and I feel my spirits rise… Ok wag na kantahin ok na… Lost boys, Lost in emotion, Lot lot and friends, Luz Valdez, Luzy Liu! Hindi man kami ulit pinalad maiuwi ang bacon bili nalang ng hot dog! wag kang bibitiw bakla may Oscar’s pa!!!!! Hayeerrppp…. kahit lot lot and friends ganda parin kami ni Direk @dweiny#MalaysianGoldenGlobalAwards #Odetonothing #OdasaWala#MalaysianInternationalFilmFestival2019,” sabi ni Pokwang.

Ang light nga ng pakiramdam ni Pokwang, di ba? Tanggap na tanggap niya ang pagkatalo, at hindi siya bitter ocampo.

“Ang mga nanlaban sa #malaysiagoldenglobalawards #malaysiainternationalfilmfestivalhindi man napagwagian ang mahalaga ay uuwi akong ligtas, masa­ya at mayayakap ko na ulit mga anak ko sila tisay @malia_obrian at ate @maesubong yeheeeyyy sila talaga ang aking tunay na karangalan yahooo see you mga anak i miss you…. see you soon Oscars…. hala!!! walang masama why not….” say pa ni Pokwang.

Well… (Dondon ­Sermino)

The post Pokwang luhaan sa Malaysia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *