Pirated copy ng Kathryn, Alden movie kalat sa Paris

Pirated copy ng Kathryn, Alden movie kalat sa Paris

Noong nasa Paris, France ako, Dondon, may ilang mga Pinoy roon ang nakakuwentuhan ko about sa kumakalat daw na links sa social media ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye”.

pirated copy ng kathryn alden movie kalat sa paris - Pirated copy ng Kathryn, Alden movie kalat sa Paris
alden 11 - Pirated copy ng Kathryn, Alden movie kalat sa Paris

Jun Lalin Anything Goes 336x224 - Pirated copy ng Kathryn, Alden movie kalat sa ParisNoong nasa Paris, France ako, Dondon, may ilang mga Pinoy roon ang nakakuwentuhan ko about sa kumakalat daw na links sa social media ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye”.

Ang linaw raw ng kopya ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kuma­kalat na links at may English subtitle pa, huh!
‘Kaloka lang! Saan kaya nagmula ang na-upload na video roon ng pelikula ng Star ­Cinema?

Saka kung may En­glish subtitle, puwede bang sabihin na nanggaling ‘yon sa kopya na ipinadala nila abroad dahil­ sa screenings doon ng pelikula?
Sabi ng isang naka­kita, mabilis naman daw na nawawala ang kopya ng “Hello, Love, ­Goodbye” sa ilang links na kumakalat.

But still, dapat imbes­tigahan talaga ng mga taga-Star Cinema kung paanong may nakapag-upload ng very clear copy ng Kathryn-Alden movie para maiwasan ang ganoon in the future.

Pero in fairness nga pala sa ibang mga Pinoy na nakatsikahan ko, hindi raw nila pinanood ang pelikula sa kumalat na links dahil alam nilang masama ‘yon!

Richard, Raymond adik sa workout

Alam mo, Dondon, naaliw ako na naka-shades si Raymond Gutierrez nang manood ng pelikulang “Just A Stranger” ng kaibigang si Anne Curtis. Pinost­ kasi ni Nicole­ Anderson ang picture ni Raymond na naka-shades sa loob ng ­sinehan.

“Hahaha! I wasn’t wearing my contacts. Graded ‘yung shades na suot ko, that’s why,” sabi ni Raymond.

Kahapon, kinumusta ko si Raymond, pero wala raw siyang ginagawa at madalas ay nasa condominium unit lang o kaya naman ay nagwo-workout.

“Nothing new. Mostly, I’m home and working out lang,” sabi niya.

“You’re like Chard pala, always working out. He’s doing boxing and Muay Thai three times a week,” sey ko dahil nakausap ko rin si Richard Gutierrez kahapon at papunta naman ng Ortigas Center kung nasaan ang gym na pinagba-boxing-an at Muay Thai training niya.

Sabi ni Richard, habang hindi pa nag-i-start ang shooting nila nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban, sinasamantala na niya ang boxing at Muay Thai training niya.

He’s doing it three times a week at nakakabilib nga na galing pa siya sa bahay nila ni Sarah Lahbati sa south at dumadayo pa siya ng Ortigas Center.

Madalas kapag natatapos siya sa training niya, dumadalaw naman siya sa bahay nila sa White Plains para puntahan ang parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Kung hindi naman siya nakakapunta sa White Plains, sina Tito Eddie at Tita Annabelle ang dumadalaw sa bahay nila para bisitahin din ang mga apong sina Zion at Kai.

“This September na, sure na na mag-start ‘yung shooting namin, then, magte-taping na rin kami for the series. Palitan, isang week sa shooting, isang week sa taping,” kuwento­ ni Richard.

Pero kahit mag-work na ulit siya, basta hahanapan daw niya ng time ang boxing at Muay Thai.

Si Raymond nga rin, nag-give up ng night life dahil gustong makapag-workout nang umaga. Ang workout training ay parte talaga ng buhay ng kambal.

Aktor
naka-shades
kahit gabi

Speaking of naka-shades, may isang aktor din na pala­ging naka-shades lately at kahit sa gabi, ganoon siya, kapag may mga event na pinupuntahan. Tinanong ko ang handler ni aktor kung graded ba ang shades na suot-suot ng kanyang alaga, pero hindi sure si handler.

“Ewan ko doon, pamporma siguro. Feeling palagi siyang masisinagan ng araw. Hahaha!” sey lang ni handler.

Siguro nga pam­porma lang ni aktor, huwag naman sanang may something sa mga mata nito na ayaw niyang mapansin. Well, sana hindi naman dahil nagbibisyo na naman si aktor, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *