Piolo type makasama ni Gil Cuerva

Piolo type makasama ni Gil Cuerva

Bukod sa pagiging artista ay pangarap din pala ni Gil Cuerva na makagawa ng script or gumalaw din sa isang production. Hindi na nga raw siya rumarampa sa pagmomodelo at sa tingin niya ay sa pag-aartista talaga siya mag-e-excel.

piolo type makasama ni gil cuerva - Piolo type makasama ni Gil Cuerva
gil cuerva - Piolo type makasama ni Gil Cuerva

Joe Barrameda Talbog 3 336x224 - Piolo type makasama ni Gil CuervaBukod sa pagiging artista ay pangarap din pala ni Gil Cuerva na makagawa ng script or gumalaw din sa isang production. Hindi na nga raw siya rumarampa sa pagmomodelo at sa tingin niya ay sa pag-aartista talaga siya mag-e-excel.

Gusto nga raw niyang makapag-script writing class kay Ricky Lee kaya lang abala siya sa role niya sa “Beautiful Justice” na umeere ngayon. Kaya wish niya sa susunod na classes ni Lee ay makasama siya.

Malapit din siya sa grupo nina Joyce Bernal at Piolo Pascual. Wish niya na makaarte sa pelikula, mapa-mainstream or indie na kasama si Piolo. Hindi pa raw siya inaalok nina Piolo at Direk Joyce dahil wala pang tamang role sa kanya.

Hindi naman daw siya nagmamadali. Basta sa showbiz siya magco-concentrate at hindi muna sa modeling.

Rayver proud sa dyowang si Janine

Sobra-sobra ang mga blessing na natatanggap ni Rayver Cruz simula nang lumipat siya sa GMA-7. Kaya sobrang grateful siya sa Kapuso Network dahil simula nang lumipat siya ay hindi siya nabakante.

Kaya sa bawat gising niya sa umaga ay pasasalamat sa Itaas ang kanyang panalangin.

Ngayon ay isa siya sa host ng upcoming second season ng “The Clash” na mapapanood simula sa Sept. 20 ng gabi sa GMA kasama sina Julie Anne San Jose, Ken Chan at Rita Daniela. May teleserye rin siya, at kasama rin siya sa “Studio 7”.

Alam naman ng lahat ang relasyon nila ni Janine Gutierrez na ipinagmamalaki niya. Kailan kaya sila pagtatambalin sa isang project? May plano kaya ang Kapuso Network na pagsamahin sila? Diyos lang ang nakakaalam.

Rufa Mae gustong bumalik sa GMA

Nakausap ko nu’ng isang araw si Rufa Mae Quinto at sobra raw niyang nami-miss ang mga kaibigan niyang artista sa GMA. Aminado si Rufa Mae na sa GMA siya nakilala at lahat daw ng meron siya ngayon ay dahil sa trabaho niya bilang Kapuso star.

Madalas daw sa gabi ay lagi niyang naaalala ang magagandang memories niya sa GMA at plano niyang dalawin ang mga boss niya dito na naging mentor daw niya.

Puwede naman siyang mag-guest sa “Bubble Gang” na madalas naming mapanood ang mga guesting ng mga original cast ng longest running gag show gaya nina Diana Zubiri at Ara Mina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *