Piolo tinupad ang pangarap ni Rhea

Isang pangarap na natupad, ganiyan ituring ng negosyanteng si Rhea Anicoche Tan si Piolo Pascual.

The post Piolo tinupad ang pangarap ni Rhea first appeared on Abante.

piolo tinupad ang pangarap ni rhea - Piolo tinupad ang pangarap ni Rhea
piolo pascual - Piolo tinupad ang pangarap ni Rhea

dondon sermino 7 - Piolo tinupad ang pangarap ni RheaIsang pangarap na natupad, ganiyan ituring ng negosyanteng si Rhea Anicoche Tan si Piolo Pascual.

Mababasa sa Instagram niya ang sunod-sunod na chika niya, na tila hindi siya makapaniwala na endorser na niya ang sikat, guwapong aktor. Babe nga kung tawagin ni Rhea si Piolo.

“Dreams do comet true. One of my major, major dreams in my bucket list is finally a reality. I’m soooo exciteddd. Meet my new Baby tomorrow!” sabi ni Rhea.

“I deserve an explanation!!! When your idol calls you boss. Oxygen puhlesssss! Ahahahaha!” sabi pa ulit ni Rhea.

“Babe, bukas pa labas ads mo. Why ka lumabas? Babe naman eh. I love you Pioloooooo!” sabi pa ulit ni Rhea, na aliw na aliw sa binata.

Anyway, isang bonggang pasabog nga ito ng Beautéderm Corporation, na sa ikatlong quarter ng taon ay ipakilala si Piolo Pascual bilang brand ambassador.

Magandang handog nga ito na sa ika-11th anibersaryo ng Beautéderm bilang major key players sa beauty and wellness industry sa bansa na si Piolo ang bago nilang miyembro.

Ang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, na pinangaralan ng People Asia magazine sa prestigiyosong roster ng taunang “Women of Style and Substance” issue nito ngayong Setyembre, ay maligayang-maligaya na bahagi na ang award-winning actor sa kumpanyang kanyang itinatag 11 years ago.

“Nasa bucketlist ko na si Piolo magmula nuong sinimulan ko ang kompanya nuong 2009. With hard work, careful planning, and prayers nagkatotoo na ang aking pangarap to have him as one of my ambassadors. I have always admired his body of work as one of the most accomplished and respected artists in the industry,” sabi ni Rhea.

Si Piolo ang endorser ng Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dash men’s line ng brand – isang best-seller at paboritong produkto ng libu-libong consumers. FDA notified at certified Superbrands bath soap ang Beau. Nagde-detoxify at nag-exfoliate ito habang nagbibigay ng clean, fresh, at delicious scent lalo na para sa mga busy na kalalakihan na laging on the go gaya ni Piolo.

“Longtime user ang kapatid kong babae ng Beautéderm products, madami na akong nabasa tungkol sa brand, at nakakarinig ako ng positive feedback tungkol sa brand mula sa aking mga kasamahan sa trabaho. Daily essential para sa akin ang Beau as it truly delivers its promises –relaxed, energized, at rejuvenated ako tuwing nag-shoshower ako after a long day,” sabi ni Piolo.

Para sa mga exciting na balita at lahat ng mga hottest updates ukol sa Beautéderm at kay Piolo, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa BeautédermTV sa YouTube.

The post Piolo tinupad ang pangarap ni Rhea first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *