Piolo pantasya ni Mr. Gay World PH

Aminado ang Philippine bet sa Mr. Gay World 2019 na si Mr. Gay World Philippines 2019 Jeffrey ‘Janjep’ Carlos, na ang pinaka-crush niya sa showbiz ay si Piolo Pascual.

The post Piolo pantasya ni Mr. Gay World PH appeared first on Abante News Online.

piolo pantasya ni mr gay world ph - Piolo pantasya ni Mr. Gay World PH
Janjep - Piolo pantasya ni Mr. Gay World PH

Aminado ang Philippine bet sa Mr. Gay World 2019 na si Mr. Gay World Philippines 2019 Jeffrey ‘Janjep’ Carlos, na ang pinaka-crush niya sa showbiz ay si Piolo Pascual.

Hindi pa naman sila personally introduced pero isa ito sa bucket list niya lalo na kung mabibigyan siya ng chance na makapag-guest sa “ASAP” or any show na makakasama niya ang hunky actor.

Wala nang iba pang actor na binanggit ang lalaban sa Cape Town, South Africa ngayong May 4, pero may ilang aktor din siyang feel.

Nangiti nga lang siya nang kulitin namin kung feel niyang maikama ito, o feel lang niyang maging kaibigan lang.

Sa tanong naman namin kung may mga indecent proposal na ba siyang natatanggap mula sa ilang bularet na aktor nang siya ay manalo ng titulong ito at naging laman ng social media, tahasan naman niyang inamin na wala pa naman.

Maging siya raw ay hindi pa nagawang mag-propose sa isang male celebrity dahil meron nga siyang partner of 7 years, na ayaw naman niyang lokohin.

May mga bilat nga raw na nagpapakita rin sa kanya ng interes dahil kung hindi lang niya aaminin na isa siyang beks, ay talaga namang marami ang malalaglag-panty sa kaguwapuhan ni Janjep, pero diretso nga raw niya itong sinasabihan na hindi sila talo.

Samantala, after the competition, kung sakali raw mabigyan siya ng break sa showbiz ay gusto rin niyang pasukin ito, pero ipagpapatuloy pa rin niya ang advocacy on mental health na kanyang sinimulan, lalo na ang pagiging isang social media influencer.

Ayon naman sa Managing Director ng Mr. World Philippines franchise na si Wilbert Tolentino, naniniwala siya na makukuha ng kanyang alaga ang titulo dahil handang-handa raw ito sa nasabing competition, mala-Catriona Gray.

At sa ipinakita nga niyang “Vaklavawalk” na gagawin niya sa contest, aba, sure winner na nga si Janjep, huh!

Good luck!

The post Piolo pantasya ni Mr. Gay World PH appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *